JULIANNE AMBER FAJARDO
Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko habang nakahiga at nakatutuok sa kisami dahil iniisip ko iyong mga kinikilos kanina ni labs bakit kaya siya ganun mahinang tanong ko sa sarili ko dahil sabi niya wala naman daw siyang problema kahit halata naman na meron.
Tsaka dumadagdag pa yung Casanova na iyon sa pag iisip ko. Nakakainis siya dahil magmula kanina hanggang sa uwian ay di na ako tinantanan ng mga kabaaihan at sangkabaklaan kanina sa school nakakakulo talaga ng dugo ang lalaking iyon.
Dahil sa inis ko ay binuksan ko ang laptop ko at napagpasyahang mag open at magcheck ang f*******: account koat nang maopen ko na ang f*******: ko ay bumungad saakin ang tadtarang friend requests, messages at notifications.
334 friend request, 356 messages, 546 notifications
Nabigla ako dahil sa sandamakmak na friend requests saakin dahil kakabukas ko pa lamang ng isang araw iniscroll ko at tiningnan ko ang mga friend requests saakin at kadalasan ay ang mga babae sa schoolmas lalo lamang akong nainis dahil mukhang hindi nila ako patatahimikin kaya mas lalo akong naiinis sa Drake na iyon.
Habang nage-scroll ako ay may nakita akong isang account at ang akong na iyon ay ang account ng taong kinaiinisan ko napahalakhak ako ng may halong sarkasmo dahil sa inis abat talagang iniinis ako ng taong ito at ang lakas ntalaga ng apog niya mahinang kausap ko sa sarili ko.
Nagsimula na akong mag accept ng friend request at it took me 20 minutes bago ko maacept ang lahat ngfriend request maliban sa bwiset na Casanova na iyon neknek niya lang ang mag aaccept ng request niya bwiset.
Maya maya pa ay nagmessage siya sa messenger ko.
Kent Drake: Hey babe accept my darn request.
Abat talaga naman at nag message pa siya at tinawag pa akong babe ang kapal talaga.
Ako: Tigil tigilan mo ako sa kalandian mo Mr. Casanova at sino ka ba para iaccept ko manigas ka bwiset ka.
Sagot ko sa message niya habang nagngingitngit parin ako sa inis dahil hindi ko makalimutan ang ginawa niya kanina may araw rin saakin ang Casanovang ito singit niya lang ang walang latay.
Kent drake: Talaga lang ha. I've always get what I want babe so if I were you, you will accept my friend request or else you will be surprised tomorrow sa gagawin ko sayo at titiyakin kong matutuwa ako.
Talagang pinagbantaan niya pa ako anong akala niya matatakot ako sa kanya.
Ako: I don't care. Do what you want bwiset ka!
Kala mo ha matatakot mo ako ibalik kita sa ovary ng nanay mo saad ko sa isip ko.
Kent drake: Okay then, your wish is my command baby...be ready tomorrow because you'll gonna be surprised.
Nakaramdam ako ng kilabot sa banta niya sakin pero hindi ako padadaig sa pananakot niya saakin dahil inis na inis ako sa kanya.
Di na ako nag reply pa sa message niya nag log out na ako dahil mas lalo lamang akong naiinis dahil sa kanya.
Pagkatiklop ko ng laptop ko ay sya namang pagring ang cellphone ko kaya I fished out my phone from my table at tiningnan kong sino ang tumatawag.
Si labs pala ang tumatawag kaya agad ko itong sinagot dahil naalala ko na naman na may problema siya and I think he need me as his bestfriend at karamay.
"Hello labs " pagbati ko sa kanya.
"Labs" saad niya mula sa kabilang linya at nahihiwatigan ko sa boses niya ang lungkot.
"Oh bakit labs bat tila malungkot ang tinig mo?" concerned kong tanong sa kanya kasi hindi ko talaga alam ang problema niya dahil hindi naman siya nag open up saakin kanina.
"Wala personal problems lang labs ahhhmm labs may tanong ako saiyo" saad niya saakin
"Oh anu ba yun?" sagot ko naman sa kanya habang napapakamot sa ulo dahil iniisip ko na naman kong bakit ayaw magshare ni labs saakin about his problems na dati naman ay nagkekwento ito saakin.
"P-pano kung mainlove ako sayo? Tatanggapin mo ba ?" kinakabahang tanong niya at ako naman ay napakunot ng noo dahil sa tanong niya..hindi ko inaasahan na tatanungin ako ni labs ng ganito dahil never in my life na natanong niya ako ng ganito ngayon lang kaya nakakapanibago.
Natahimik at napa isip ako pano nga kaya kong mainlove sakin si labs tanong ko sa isipan ko.
Pero inisip ko na lamang na imposible iyon dahil straight pa sa ruler iyang si Labs kaya imposible talaga yeah right yun ang tinatak ko sa isipan ko.
"Labs andyan ka pa ba?" tanong sakin ni labs dahil hindi na ako kumibo pa.
"Ahh hehehe oo andito pa ako ahhhmm tungkol sa tanong mo labs ang sagot ko ay siguro tsaka wag na nga natin pag usapan yun kasi alam naman nating di mangyayare yun diba straight ka pa nga sa ruler " saad ko sa kanya habang napapatawa na lamang para hind imaging awkward ang pag uusap namin.
"ahhmm o-Oo nga. By the way labs sabay tayong pumasok bukas ha sunduin kita sa inyo" anyaya niya saakin "ano lakad tayo papuntang school?" masayang tanong pa niya saakin kaya napangiti na rin ako.
"sige ba gustong gusto ko yan ahmmm sige na labs tutulog na ako at ikaw rin po matulog kana good night labs" saad ko kay labs kasi inaantok na talaga ako.
"Okay sunduin na lang kita bukas labs good night din po I love you" saad naman niya pero di ko na naintindihan yung huling sinabi ni labs dahil pabulong na lamang niya itong sinabi pero hindi ko na iyon inusisa pa at binaba na ang tawag.
Nagpray ako para maging maganda ang panaginip ko at pagkatapos kong magdasal ay natulog na ako.