JULIANNE AMBER FAJARDO
Nandito na ako ngayon sa tapat nang gate nang school namin pero tila ba napako ako sa kinatatayuan ko dahil hindi ko magawang maihakbang papasok ang mga binti ko sa loob nang paaralan namin. Yes matapang ako kagabing sagut sagutin siya sabi ko pa nga ay 'I dont care. Do what you want' oh diba ang tapang pero bakit ngayon ay hindi ko mahapuhap ang tapang ko na iyon?.
Oo bothered ako doon sa threat nang casanova na iyon malay mo ipakaing ako sa mga pating o kaya naman ay ihulog ako mula sa tuktok nang building namin iniisip ko pa lamang ang mga iyon ay kaagad nang kinakain nang kilabot at takot ang sistema ko.
Habang nasa ganoon akong pag iisip ay bigla na lamang akong may narinig na boses.
"Hoy! Hindi ka ba papasok? isasara ko na ang gate kasi time na dalian mo na at late kana ija" yung guard pala na halatang kanina pa ako pinapapasok pero dahil malalim ang iniisip ko ay hindi ko siya napansin kanina.
Wala na akong magagawa kasi baka hindi na ako papasukin pa nitong si Manong guard. Bago ako humakbang papasok ay huminga muna ako nang malalim pinagdasal ko na lamang sa loob nang utak ko na sana ay hindi kami magkita at magkasalubong nang letseng casanova na yon.
Naglakad ako sa may hallway nang matulin at nakayuko kahit kabang kaba ako dahil sa banta niya.
Paliko na sana ako nang bigla na lamang may malakas na kamay ang humila saakin papunta kong saan na parte nang school sisigaw na sana ako kasi hawak niya nang mahigpit ang kamay ko pero tinakpan niya nang isa pa niyang kamay ang bibig ko kaya puro ungol na lamang ang nagawa ko hanggang sa madala na niya ako sa isang lumang classroom na nasa kaliwa nang hallway.
Tumriple ang kaba ko ngayon dahil unang una ay hindi ko nakita ang mukha nang kumaladkad saakin at baka anong gawin saakin.
Nang bitawan niya ako ay kaagad ko siyang hinarap at labis akong nagulat dahil napakalapit nang mukha nito saakin at kita ko ang nagliliyab na mga mata nitong nakatingin sa mga mata ko.
Nahintakutan ako dahil sa mga nanlilisik niyang mga mata hindi ako makapagsalita dahil sa takot na nararamdaman ko bagkus ay napalunok na lamang ako nang laway. Nang akmang aatras na sana ako ay mabilis niyang nahigit ang bewang ko ipinulupot niya doon ang matitigas at malalaki niyang braso kaya upang hindi ako mapasubsob sa katawan niya ay naitukod ko nang kaunti ang kamay ko sa dibdib niya nang paglapat ko nang mga kamay ko sa dibdib niya ay ramdam ko ang tigas at lapad nito at kahit nakatago ito sa kanyang uniform ay alam kong batak ito.
Mas lalong domoble ang kaba ko nang marinig ko ang malalim at lalaking lalaking boses niya na ngayon ay nasa may tenga ko na pala kaya ramdam ko ang init nang hininga niya "diba sabi ko humanda ka ngayon no one dares to ignore me" saad niya kaya bumalik sa alaala ko ang nangyare kagabi at kong paano ko siya tinarayan sa f*******:.
Pilit akong kumakawala sa pagkakahawak niya pero sadyang malakas siya at malaki ang katawan saakin kaya naman wala akong nagawa para makawala sa kanya hinanap ko ang dila ko upang makapagsalita at pilit kong tinatatagan ang sarili ko.
Itinulak ko siya pero hindi man lamang ito natinag pero sinubukan ko sa pangalawang beses at mas nilagyan ko pa nang pwersa ang tulak ko sa kanya at doon ako nakawala sa pagkakahawak niya pero kaunti lamang ang inilayo niya saakin.
Sinalubong ko ang mga nanlilisik niyang mga mata kahit sa totoo ay nanghihina na ang mga tuhod ko dahil sa takot sa kanya. Kayang kaya niya akong bugbugin anytime now dahil sa rin sa pagbabanta niya saakin pero masyado naman siyang mababaw at dahil lamang doon ay sasaktan na niya ako kaya naman buong tapang kong sinalubong ang nanlilisik niyang mga mata.
"Bakit natapakan ko ba ang ego mo bilang casanova na may nang ignore sayo and what's more funny is isang bakla pa pero wala namang akong sinabing masama sayo dahil ikaw ang namilit na iaccept ko ang request mo. Bakit ha? Bakit mo gustong iaccept ko ang request mo?" tanong ko sa kanya at dahil doon ay mas lalong nanlisik ang mga mata niya at nagtatangisan na rin ang kanyang mga panga at muli na naman niyang sinakop ang espasyo sa pagitan namin at halos maduling na ako dahil sa lapit nang mukha niya saakin.
"I'm really impress by you. You have the guts to reject my request huh" ngayon ay nakangisi na niyang saad habang nakatingin parin saakin naramdaman ko ang lamig nang pader na ngayon ay nasasandigan ko na pala.
"Bakit wala ba akong rights para hindi iaccept ang request mo. Yan kasi ang hirap sa kagaya mo you're so full of yourself na akala mo ay lahat makukuha mo dahil lamang maraming naghahabol sayo" saad ko sa kanya.
Pero imbis na manlisik ulit ang mga tingin niya saakin ay nakita kong nangingiti ito habang titig na titig saakin kaya nailang ako bigla kaya ibinaling ko sa kanan kong bahagi ang tingin ko at doon ko nakita ang mga luma, sira sira at alikabuking mga upuan habang nasisinagan nang kakaunting liwanag dahil sa sirang bintana nitong lumang classroom.
Pero hindi pa man nagtatagal ang titig ko doon nang hawakan niya ang baba ko at iniharap muli sa kanya at doon ko nakita ang ngiti niya kaya tinaasan ko nang kilay.
"B-bakit ka nakangiti dyan!?" pasinghal kong tanong sa kanya at doon ay tuluyan nang nawala ang takot ko sa kanya at nakalimutan kong pinagbantaan pala niya ako.
"Bakit masama bang ngumiti?" mas lalong lumapad ang ngiti niya kaya nailang ako plus magkalapit parin ang mga mukha namin at nakatukod ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid nang ulo ko in short na cornered niya ako. At kong may makakita man saamin ay iisiping may ginagawa kaming something kaya tinulak ko siya dahil doon at pilit na lumalayo sa kanya habang siya ay mahinang humahalakhak. Pakiwari ko ay baliw na ata siya dahil kanina ay galit siya at ngayon ay parang umiba ang ihip nang hangin kasi humahalakhak ito na parang nakakita nang iba sa paningin niya.
Dahil nainis ako ay sinita ko na siya at para makaalis na rin ako dito for sure second subject na ako makakapasok dahil sa kagagawan nang ugok na to "ano ba tumigil ka nga sa kakatawa baliw kana!" sigaw ko sa kanya at akmang lalakad na sana ako paalis nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at inilapit na naman ako sa katawan niya at this time ay nakatingala ako sa kanya at kita ko ang amusement sa mga mata niya and believe it or not may kakaiba akong naramdaman nang sandaling makita ko ang mga mata niya with an amusement at mabilis rin na pumintig ang puso ko kaya binawi ko agad ang tingin ko sa kanya "A-ano b-bang g-ginagawa m-mo pakawalan mo nga ako" naiilang at hindi makatinging saad ko sa kanya dahil sa uneasiness na nararamdaman ko ngayon sa pagtatagpo nang nga mata namin hindi ko alam kong anong tawag doon sa naramdaman ko kanina pero ang alam ko lang ay hindi ko iyon gusto dahil hindi maaari.
Inilapit niya pa ang mukha niya saakin dahil nararamdaman ko ang hininga niya sa may ulo ko "You got my attention when we first met kaya naman hindi ka madaling makakawala sa paningin ko lalo na ngayon that I'm so interested on you kaya wala akong balak pakawalan ka without figuring kong ano itong something about you that keep bugging my sanity. So wether you like it or not expect me to meddle in your life remember that Julianne Amber Fajardo" nagulat ako dahil alam niya ang buong pangalan ko kasi although magkaklase kami ay wala naman siyang pakialam sa mga students dito dahil ang kilala lang naman niya ay ang mga girlfriends niya kaya talagang nagulat ako nang sambitin niya ang buong pangalan ko at napatingin ako sa ngayo'y nakangisi niyang mukha.
And without my knowing dahil sa sandaling tiningnan ko siya ay ang madaliang at walang paalam na pagdampi nang kanyang labi sa labi kong nakaawang dahil sa pagkagulat at ang aking mga mata na ngayo'y walang kasing laki dahil sa kanyang ginawa.
Natuod ako sa sandaling ito at naramdaman ko na lamang na kumikilos ang labi niya at nilaliman pa ang kanyang pagkakahalik saakin.
It takes me a few minutes at nang makabawe ako sa pagkakabigla ay dagli ko siyang naitulak at malalaki ang mga matang tinignan siya wala akong ideya kong anong klase nang mukha kong gulat ngayon at napahawak sa labi kong kanina lamang ay ninamnam niya.
Pero taliwas sa reaksyon ko ay nakangiti siya ngayon na parang nanalo sa lotto "kagaya nga nang inaasahan koyou have a sweet lips na kanina pa ako tinetempt na hagkan ito and now mas lalo akong nagkainteres sayo at sa matamis mong labi" nakangiting saad niya na ngayon ay nakatingin sa labi kong hawak ko.
Doon na ako nakabawe at nag init agad ang ulo ko kaagad na lumanding sa kaliwang pisngi niya ang palad ko
*ppppaaaakkkkk* napabaling sa kanan ang ulo niya dahil sa pagsampal ko dito.
Ang first kiss ko! yan ang tumatakbo sa isipan ko habang lubos ang panghihina at panghihinayang dahil hindi sa lalaking mahal ko iyon naibigay bagkus sa lalaking kagaya ni Drake iyon napunta. Halos maluha ako dahil big deal saakin iyon lalo pa't matagal kong iningatan iyon.
Maluha luha ko siyang tiningnan at gigil na nagsalita "ang sama mo! wala kang karapatang kunin ang first kiss ko at wala kang karapatang idampi ang marumi mong labi saakin dahil iyan ang sagisag nang pagiging casanova mo at hindi ko pinangarap na mahalikan iyan ang sama mo! ang sama sama mo!" lumuluha kong saad sa kanya at hindi ko na inaksaya pang tumingin sa kanya at dali daling lumabas nang classroom na iyon nang tumatakbo.