Chapter 16

1168 Words
JULIANNE AMBER FAJARDO Kanina pa ako wala sa sarili at lutang lang ang isip ko sa buong maghapon sa klase. Hindi ko parin kasi maisip kong ano ba ang mga malalabong ala ala na bumalik sa isipan ko, mga hinahanap kong mga ala alang nawala saakin. Bukod sa malabo ito ay tila isa itong bahagi nang nakaraan ko noong bata pa lamang ako. Siguro ay ito na ang alam kong may amnesia ako aksidente ko kasing narinig sina mama at papa noon at doon ko nalamang may amnesia ako. Pinili kong hindi ipaalam sa kanila na alam kona na may amnesia ako kasi ayaw kong dagdagan pa ang alalahanin nila at bigyan pa sila nang dagdag alalahanin. "Amber tara uwi na tayo hatid na kita kasi baka ano na namang mangyare sayo" paanyaya sakin ni Drake sabay akbay pa saakin. Tinaasan ko lamang siya nang kilay habang siya ay nakangiti lamang nang malaki saakin. Nakapako parin ang tingin ko sa malaking braso niyang nakaakbay saakin pero tila ba wala lang iyon sa kanya. Si labs daw kasi ay may meeting ang mga new recruit varsities kaya andoon siya at hindi makakasama pag uwi saamin. Obviously ay wala na naman itong captain nilang to na kasama ko ngayon at tila nga walang balak umattend nang meeting. "Ei diba dapat andun ka sa meeting ninyo kasi ikaw ang captain nang team nyo. Eh bati andito ka at napapadalas ang pag akbay mo saakin ha” pagdadaldal ko sa kanya. Ngumiti lamang siya sakin saka nagsalita. "don’t worry nagawan ko nang paraan kasi nauto ko si coach at sabi ko pinapauwi ako ng maaga ni mommy " proud pa niyang saad sa kalokohan niya at nagmamayabang pa sa ginawa niyang excuse para lamang makatakas sa meeting nila. Kaya mahina ko siyang kinurot sa tagiliran at sinamaan nang tingin "ewan ko sayong loko loko ka talaga tara na nga" saad ko sa kanya at natawa na rin dahil sa kakulitan niya. Kung may makakakita saamin ngayon ay iisipin na mag on kaming dalawa dahil nakaakbay siya sakin ngayon at animoy naglalambingan pero dahil sa kilala ko itong si Drake ay alam kong mahilig talaga siyang mang akbay ay hindi ko nilalagyan nang kahulugan ang mga pinapakita niya saakin dahil kaibigan ko siya. "Sige tara” masayang yaya nito at pumasok na kami sa sasakyan niyang yellow Mustang. Oh diba ang yayamanin nang kotse niya and take note this is the latest car as of now. Swerte ako at naksakay ako sa ganitong kamahal at kasikat na kotse. Diba rich kid ang lolo mo may pa Mustang eh. "Amber" pambasag katahimikan niya habang nagmamaneho siya at sumulyap saglit saakin saka muling ibinalik ang tingin sa kalsada. "Oh bakit?" tugon ko sa kanya bago siya tiningnan. "Would you mind joining me on a dinner? I'm already starving" sabi niya habang nakanguso kaya napangiti ako kasi ang cute niya lang. "Sige ba, basta ba libre mo wala kasi akong pera ngayon eh" saad ko sa kanya na siya namang sinang ayunan agad. Yey may libreng hapunan ako nag huhumiyaw kong saad sa isipan ko. Huminto kami sa isang average class restaurant. Siguro nahiwatigan niya na ayaw ko sa mga high class restaurants kaya dito niya ako dinala. Umupo na kami at umorder. Maya maya lang ay dumating na agad ang order namin at hindi ko mapigilang magulat habang inilalapag ng mga waiter ang mga inorder namin sa mesa namin. "Mauubos na natin tong lahat??" tanong ko sa kanya pagkakita nang mga hinandang pagkain at halos mapuno ang mesa naming dahil sa dami. "Basta kainin mo lamang ang kaya mong ubusin. Don't worry kapag hindi naubos ang pagkain kasi hindi masasayang yan" nakangiti niyang saad saakin kaya tumango na lamang ako kinuha ang kutsara at tinidor. Nagsimula na kaming kumain at di pa kami nangangalahati sa in order niya pero di ko na talaga kaya dahil masyado na akong busog at hindi ko na kayang lunukin ang pagkain kaya tumigil na ako. "Ayoko na. Busog na busog na ako" medyo nahirapan akong magsalita dahil sa kabusugan saka marahang pinunasan nang tissue ang bibig ko. Napatawa na lamang siya at pinahiran na rin nang tissue ang bibig. Tinawag niya ang waiter at pinabalot ang maraming tira naming pagkain saglit siyang nagpaalam kaya sinundan ko nalang siya ng tingin habang papalabas siya nang restaurant nagtataka man ay patuloy kong sinundan siya nang tingin. Pagkalabas niya ay lumapit siya sa dalawang marusing at batang lansangan na nakaupo parehas sa labas nang restaurant. Binigay niya ang ilang mga supot ng pagkain sa mga nanlilimos at gusgusing bata at dahil sa nakita ko ay hindi ko napigilang mapahanga kay Drake dahil sa ipinakita niyang kabaitan at mabuting tao sa mga batang iyon. Nakita ko pa siyang ngumiti nang ibigay niya ang supot nang pagkain sa kanila pinagmasdan ko lang siya at naramdaman ko ang sincerity ng mga ngiti niya sa mga bata. Hindi ko alam na may ganitong side pala si Drake at kahit hindi halata sa kanya ay atleast natuklasan ko ito. Ngayon ay alam ko na ang isang Drake ay hindi lang pala lahat kayabangan kundi matulungin at mapagbigay rin sa kapwa niya. Bumalik na siya sa loob ng restaurant habang may ngiti at nakatingin siya saakin. Hindi ko alam kong bakit sa mga oras na to ay nagliliwanag siya sa paningin ko at ramdam ko rin ang mabilis at tila nagririgodon na t***k nang puso ko. Pilit kong pinakalma ang sarili ko ng tuluyan na siyang makaupo ulit sa pwesto nya kanina kaharap ko. "Lagi mo bang ginagawa yun?" pagtatanong ko sa kanya tungkol sa ginawa niya kanina. "Ah yun ba, oo kapag kumakain ako o kami sa restaurant at kapag nakakakita ako nang batang lansangan ay talagang sinosobrahan ko ang order ko at ang iba ay ipaapbalot at ibinibigay ko iyon sa kanila. Dahil unang una ay naaawa ako sa kanila at hindi ko kayang makakita ng batang nagugutom" nakangiting saad niya at halata nga sa mga mata niya na masaya siya sa ginawa niya at pagtulong niya. That smile. At dahil sa pag ngiti niya ay medyo natulala ako sa kanya. And also the fact that he have that kind of genuity towards street childrens. It's far from my knowing about him. You really can't judge a book by it's cover to the fullest because there's might be much more interesting pages out there. *dug dug dug dug* Ayan na naman ang kalabog nang puso ko at hindi ko alam kong bakit ganito ito kumabog ngayon. Pagkatapos naming kumain ay hinatid niya na ako pauwi at nag thank you ako sa kanya sa paglibre niya saakin nang dinner at sa paghatid pauwi saakin. Bago pa ako makapasok ng gate namin ay may natanaw akong anino nang isang tao mula sa di kalayuan sa may bandang poste nang kuryente na malapit saamin na nasa kabilang kalsada. Binalot ako ng takot kaya dali dali akong pumasok sa loob ng bahay naming at sinarado nang mabuti ang gate namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD