JULIANNE AMBER FAJARDO
Kasalukuyan kaming nandito nina Justin at Drake habang kumakain pero mali ata na nakisabay akong kumain sa kanila kasi kanina pa parang nag iiringan ang dalawa.
"Labs ito masarap to oh diba favorite mo rin to" sabay lapit ni labs sakin ng spaghetti na inorder niya pero hindi ko pa man naisusubo ang inaalok saakin ni labs nang sumingit naman si Drake habang nakatutok rin saakin ang tinidor niya na may pagkain niya.
"Hindi mas masarap to Amber" alok saakin ni Drake nang pasta niya at parehas nakatutok sa bibig ko ang mga tinidor nila na may pagkain nila.
Hindi ko malaman sa dalawang ito kong bakit ganito ang kinikilos nila magmula pa kanina na tila ba nasa kompetisyon sila.
Kita ko na nakatingin saamin ang lahat nang mga estudyanteng kumakain dito sa cafeteria at nandyan ang kanilang mga mapanuksong mga mata at matatalim na mga titig saakin dahil kasama ko ang mga hinahangaan nilang mga lalaki.
Kaya napayuko na lamang ako dahil ako ang nahihiya sa pinaggagawa nang dalawang ito lalo na ngayon na patukoy parin ang pagtatagisan tungkol sa mga pagkain nila na gusto nilang ipakain saakin kaya kinuha ko ang atensyon nila dahil hindi ko na matagalan ang pagbabangayan nila.
"Ayoko ng mga yan kung gusto nyo kayo na lang kumain and please lang tumigil na nga kayo sa pagbabangayan nyo para kayong mga bata" may halong inis sa tono nang pagkakasabi ko sa kanila kasi kanina pa ako naiirita sa pinag gagawa nila. At the same time ay kanina pa ako nakakatanggap nang mga mapaghusgang titig mula sa mga estudyanteng nakakakita saamin.
Yung binili kong lasagna na lamang ang kinain ko at mabuti naman ay kinain na rin nila ang pagkain nila. Siguro napansin nilang naiinis na talaga ako kaya tumahimik ito na parang mga mababait na pusa habang panaka naka ang pagtingin nila saakin kaya kapag nahuhuli ko silang tumitingin saakin ay pinandidilatan ko sila nang mga mata pero kita ko parin ang talim nang titigan nilang dalawa sa isat isa.
Kasalukuyan kaming naglalakad papuntang classroom ng bigla kong naalala na nasa locker pala ang isa kong notebook at libro na gagamitin namin sa susunod na subject namin. Kaya tumigil ako sa paglalakad dahil ang locker room ay nasa kabilang side kaya kailangan kong bumalik para doon duman.
"Mauna na kayo kukunin ko lang ang notebook at libro ko sa locker ko naiwan ko kasi eh" saad ko sa dalawa na napahinto rin nang paglalakad.
"Samahan na kita" sabay na sabi ng dalawa at nagkatinginan pa at alam ko na naman ang magaganap at ayon na nga at nagsimula na naman silang magbangayan kaya napahilot na lamang ako sa sentido ko dahil sa pagiging pasaway ng dalawa.
“ako na nga sabi! ako ang naunang nag aya kay Amber kaya f**k off bro” maangas na saad ni Drake kay Justin pero hindi naman nagpatalo ang huli.
“anong ikaw ako ang nauna kaya wag kang maangas dyan” patol naman ni Justin kay Drake at marami pa silang sinabing kong ano ano.
Nagtalo sila nang nagtalo kaya iniwan ko na lamang sila doon nang walang pasabi. Alam ko namang hindi nila napansin na iniwan ko na sila kasi busy sila sa pagtatalong dalawa sakit talaga sa ulo ang dalawang monggoloid na yun hayyyssss.
Tumakbo ako para mabilis akong makarating sa locker room kasi malapit na ring mag time para sa susunod na subject namin.
Pagkarating ko sa lockerroom ay dumiretso agad ako sa pangalawang linya kasi andoon ang locker ko at nang mabuksan ko ito ay kinuha ko agad ang notebook at libro ko. Saka madaliang kinandado ulit ang locker ko at dahil nga sa nagmamadali ako ay saktong pagharap ko ay may nakabungguan ako at literal na napaupo ako sa sahig dahil parang isang matigas na bagay ang nakabanggan ko dahil malakas ang impact nang pagkakatumba ko sa sahig.
*boooooogggggssssshhhh*
Agad akong napahimas sa pwetan ko "Aray ang pwet ko huhuhu" saad ko habang hinihimas ang pwetan ko na nauntog dahil sa pagkakatumba ko para atang naflat ang pwet ko dahil sa pagkakatumba ko.
May nakita ako nag abot ng kamay sakin at tiningnan ko ang nagmamay ari nito. Isa palang tao ang nakabanggaan ko kasi akala ko ay bumangga ako sa pader dahil matigas ang katawan niya ngumiti saakin ang lalaki habang nakaabot ang kamay niya saakin. Saglit akong napatulala dahil sa taglay na kagwapuhan nito at magandang ngiti natauhan lamang ako sa pagkakatulala nang tanungin niya ako.
"Okay ka lang ba?" pagtatanong nito sakin habang bakas ang pag aalala nito sa akin.
Inabot ko ang kamay niya upang makatayo at nang makatayo na ako ay pinagpagan ko ang pantaloon ko na nadumihan saka nakangiting tumitig sa kanya.
"Ahmm okay lang hehehe medyo masakit lang ang pang upo ko" sabi sa kanya at nakita ko namang nangiti na ulit siya saakin.
"Sorry pala di kasi ako tumitingin sa dinaraanan ko" paghihingi niya ng paumanhin sakin kaya napailing iling na lang ako kasi kasalanan ko rin dahil sa pagmaamdali ko.
"Okay lang sobra din kasi akong nagmamadali kaya ayan hehe" tugon ko sa kanya.
"Hahahahahahahaahaha" tinawanan nalang naming dalawa ang kaclumsyhan namin.
"Oh by the way kanina pa tayo nag uusap di pa pala tayo nagpakilala sa isa't isa. I'm Greyson Morillo" pakilala niya sakin inextend ang kamay niya saakin asking for a handshake.
"I'm Julianne Amber Fajardo" sabi ko naman at inabot ang kamay niya at ngumiti.
Nagkatitigan kami sa mata at bigla na lamang akong napahawak sa ulo ko.
"Arrrrrggghhhh" daing ko habang nakahawak sa ulo ko dahil sa sobrang sakit nito na parang binibiyak ang ulo ko.
"H-hey, what's wrong?" Tanong niya sakin sabay lapit at hinawakan ang braso ko.
Pero hindi ako makasagot sa kanya dahil sumasakit parin ang ulo ko naririnig ko pa siyang nagsasalita pero hindi ko na iyon marinig pa nang maayos dahil bigla bigla na lamang may pumapasok na mga blurred na imahe nang dalawang bata sa utak ko.
Kaya mas lalo akong humiyaw sa sakit dahil sa mga blurred images na pumapasok sa isipan ko at naramdaman ko na lamang na umiikot ang paligid ko and the last thing I heard is ang pagtawag ni Greyson sa pangalan ko and everythings went black.