Chapter 19

1582 Words
JULIANNE AMBER FAJARDO Dinala ko si Drake sa paborito kong themed park dito sa malapit saamin kong saan ay lagi kaming namamasyal nina papa noon dito kapag nag aaya ako sa kanila ni mama na mamasyal at nadala ko na din si labs minsan dito. "What kind of place is this" kunot noong tanong niya sakin ng huminto ang sasakyan sa harapan ng themed park kong saan ay maraming mga tao ang pumapasok doon at buhay na buhay ang lugar dahil dito palang sa labas ay kitang kita mo ang mga ilaw nito sa loob at labas. I know it's not pompous like other themed park dahil average lang ang mga rides dito at budget friendly kaya maraming mga tao ang napunta dito pwera sa mga mayayamang katulad nila. "Ito ang themed park dito don’t worry di ka naman mamamatay dito at siguradong mageenjoy ka sa mga rides at games dito pramis" panghihikayat ko sakanya kasi di mapinta mukha nya na tila ba nakakita siya nang isang nakaakdiring lugar 'mga mayayaman nga talaga' saad ko sa isipan ko habang napapailing iling na lamang na pinagmasdan ang reaksyon niya habang tinitingnan ang labas nang themed park na pinagdalhan ko sa kanya. Pero wala na syang nagawa pa ng kaladkarin ko sya papasok ng themed park “hali kana wag kanang maarte dyan okay” saad ko habang hatak hatak ko sya at mabuti naman ay hindi na siya nagpapilit pa. Nang makapasok na kami ay nakita kong medyo matao ngayon dito at mostly nang mga nakikita ko ay mga magkakasintahan na nagdedate dahil tamang tama at weekend na bukas. Hinila ko siya papuntang paboritong ride na roller coaster at nang una nagpapapilit pang sumakay si Drake sa roller coaster dahil ayaw niya sumakay kaya nahirapan pa akong kumbinsihin siyang sumakay pero kalaunan napilit ko siya at nakita ko itong nag eenjoy na rin siya habang nakasakay kami dahil nakikisabay na din siya sa pagsigaw namin at iba pang nakasakay sa coaster. Pagkatapos sa roller coaster ay nagpahinga muna kami sa bench at balak naming sakyan ang bumped car pero nagutom ako kaya umupo muna kami sa upuan. "Gutom na ako" sabi nito habang nakapout pa kaya nang makita ko ang pagpapacute niya ay napabunghalit ako nang tawa na mas lalong nagpabusangot nang mukha niya. Ang cute niya lang kasi habang ginawa niya iyon. "Tara" saad ko sa kanya pagkatapos kong tumawa at hinila ko siya sa nagtitinda ng mga street foods na nasa loob rin nang perya. Nang makarating kami sa tapat nang nagtitinda nang street foods ay tutuhog na sana ako nang fishball nang pigilan niya ako "hey is that even clean and edible?" tanong niya saakin habang hawak parin niya ang kamay ko na may stick na pangtuhog sa fishballs at kwek kwek. "Oo naman no tsaka di porket street foods ay masama na sa sikmura not tsaka masarap kaya to” saad ko sa kanya at tumuhog na at itinapat sa bibig niya “oh tikman mo para malaman mong totoo ang sinasabi ko sayo " saad ko sa kanya pagkalapit ko sa bibig niya ang tinuhog kong fishballs pero nag alangan siya na kainin. Umiling iling pa ito pero napilit ko syang kainin ang inaalok kong fishball sa kanya wala rin naman syang magagawa pa dahil pipilitin at pipilitin ko parin siya. "O ano? diba masarap?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa kanya at tinitingnan ang reaksyon niya at ang sagot niya at kalaunan ay tumango tango siya at ngumiti nang parang bata. "Oo nga masarap nga to manong tutuhog pa po kami" sabi nito kay manong habang nakangiti at excited na tumuhog nang fishball kaya tumuhog na din ako nang nakangiti dahil nasiyahan ako sa reaksyon niya. Nang matapos kaming kumain ay nakarami siya ng fishball at kwek kwek at hindi ko nga inaasahan na makaakubos siya nang ganon karaming fishball at kwek kwek “grabe ka ang takaw mo hahaha tsaka ang dami mong nakain paayaw ayaw ka pa noong una pero halos maubos muna ang tindang fishball at kwek kwek ni Manong” natatawang saad ko sa kanya at nakita ko naman siya ng natawa rin habang hinahaplos haplos pa ang nabusog na tiyan niya. “oo nga eh nasarapan kasi ako tsaka first time kong kumain noon kaya bago sa panlasa ko. Let’s eat street foods again some other day” nakangiting saad niya saakin at hindi ko alam pero habang nakatingin ako kay Drake na nakangiti nang ganito ay parang may kong ano sa puso ko na nasisiyahan masyado. Narinig ko pa ang malakas na pagkabog nang puso ko kaya nalito ako kong bakit kumabog nang ganon kalakas ang puso ko. Pagkatapos naming kumain ay nadaanan namin yung tatamaan mo ang lobo at dapat maputok ito at may premyong stuff toy at gustong gusto ko yong bear na pink kaya kukunin daw ni Drake para sakin kaya natuwa naman ako at tumabi sa kanya at chineer siya nang buong kasiyahan. May tumabi saking lalaki na kaedad lang namin. Nang tingnan ko ito ay nakita kong may itsura at matangkad ito nakita kong napatingin din siya saakin kaya nginitian ko na lamang siya nang tipid pero nabigla ako nang bigla siyang kumagat labi at kumindat. Dahil sa pagkabigla ko ay agad kong binawi ang tingin ko sa kanya at hindi na lamang ito pinagtuunan nang pansin at chineer pang muli si Drake. Maya maya pa ay naramdaman kong mas dumikit ito sa akin kaya umuusog ako palayo sakanya pero umuusog rin ito padikit ulit saakin kaya tinapunan ko ulit ito nang tingin nakita kong nakangiti itong nakatitig saakin at tila ba may kong anong meron sa mga mata niya habang nakatitig saakin kaya nanindig ang mga balahibo ko. "Hi cutie may kasama ka ba?" tanong nito sakin habang pumorma ang mapaglarong ngisi sa labi niya. Sinipat pa ako nito mula ulo hanggang pa kaya nakaramdam ako ng pagkaasiwa sa kanya pero hindi ko magawang sumagot sa kanya. Di naman kami napansin ni Drake kasi nakatuon ang pansin nya sa pagbato ng darts sa balloon at masyadong maingay ang paligid dahil sa kanya kanyang boses nang mga taong andito kaya huminga ako nang malalim bago sumagot sa kanya. "Ahmm meron " sagot ko naman sa kanya at pilit hindi pinapahalata na naaasiwa ako sa kanya. "I think you won't mind if I know your name cutie" saad pa niyang muli habang naroon parin ang mga titig niyang hindi ko mawari pero tipong nakakapanindig balahibo at hindi mapagkaaktiwalaan lalong lalo na ang ngisi niya. "Ahm pasensya na di ko kasi basta basta binibigay ang pangalan ko sa di ko kilala at wag mo akong tawaging cutie dahil hindi ako pusa" saad ko at hinaluan ko nang inis ang boses ko para mahalata niya iyon at umalis na siya dahil hindi ako komportable sa kanya. "I'm Akiro Dale Fuentes, ngayon kilala muna ako, so can I know your name in exchange?" akala ko ay titigil na ito but he continue to insist na malaman ang pangalan ko kaya mas kinabahan ako. "Sorry to burst out your bubbles Mr. Akiro or whoever you are but wala akong balak makipagkilala sayo kaya please lang don’t bother me" matapang na saad ko sa kanya pero nanatili parin itong makulit. "Nakikipagkilala lang naman ako eh. I don't think there's wrong with that right" saad niya pero this time ay may halong angas at yabang. I can't stand his arrogance na para bang Di ko na lamang siya pinansin at tumingin sa harapan pero hinawakan ang kamay ko kaya doon na ako napuno at sinigawan siya habang pinipiglas ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. "Ano ba don't touch me you moron!" sigaw ko sabay wasiwas ng kamay niya na nakahawak sa kamay ko kaya doon na napatigil si Drake sa paghagis nang darts sa lobo. Dagling pumunta ito sa tabi ko na hindi ko namalayan na medyo napalayo na pala siya saakin kaya hindi niya nakikita at naririnig ang nangyayare saakin dito. "Pare ano bang problema mo at hinahawakan mo siya!" matalim na saad ni Drake doon sa Akirong iyon habang pinanlalakihan pa niya ito nang mga mata at kitang kita ko na nasa amin na ang atensyon nang mga taong nandito sa paligid namin. "I'm just making friends with him what's the matter with that and by the way who are you at nakikisawsaw ka sa usapan namin pare?" maaangas na pagtanong ni Akiro kay Drake na ngayon ay nakakuyom na ang kamao na tila ba handang handa ng bangasan si Akiro. Hawak hawak niya rin ang kanang kamay ko gamit ang kaliwang kamay niya. "AKO LANG NAMAN ANG BOYFRIEND NG KUNUKULIT MO SO BACK OFF GAGO! KONG AYAW MONG MANGHIRAM NANG MUKHA SA ASO" galit na galit na usal ni Drake na dinig ng lahat ng tao sa perya. Napasinghap ako at maging ang mga taong nasa paligid namin at nakita kong napa ‘tsk’ nalang ang lalaking Akiro na yun at nakangisi paring nakatitig saami habang ako ay hindi makapagsalita at makakibo dahil sa pagkabigla. Di ko namalayan na nahila na pala ako ni Drake papuntang kotse at doon na ako nahimasmasan at hindi ko magawang tumingin sa mukha niya kaya ramdam ko ang pag iinit nang mga pisngi ko at hindi ko gustong makita niya iyon kasi baka iba ang isipin niya. Pero bakit nga na niya iyon nasabi? At bakit ako nagkakaganito at apektadong apektado sa mga katagang binitawan niya sa loob nang themed park.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD