Chapter 18

1182 Words
JULIANNE AMBER FAJARDO Nang makaalis na si Greyson ay nakataas kilay kong hinarap ang kurimaw na ngayong nakahawak sa bewang niya na tila siya pa ang naiinis dahil sa nangyare. "Hoy kurimaw ka! ano bang problema mo dun sa tao eh nagmagandang loob lang naman na pasabayin ako sa kotse nila kasi nakita niya akong naglalakad kanina papuntang school?" tanong ko sa kanya habang pinanlakihan ko pa siya nang mga matadahil naiinis talaga ako sa inasal nang kurimaw na to kay Greyson kanina. "Eh bakit ba kasi an gaga mong umalis sa bahay nyo dumaan din ako doon at sinabi nina mama mo na nakaalis kana daw at makikita ko na lamang na nakisabay ka pala sa lalaking yun na kakakilala mo palang kahapon at niyaya mo pa syang sumabay sating kumain mamaya ng lunch" may halong inis niyang usal sakin at nakita ko pang nagsalubong ang mga kilay niya kaya napabuntong hininga na lamang ako dahil sa pinipigilan kong mangibabaw ang inis ko. Dapat na akong masanay sa ganitong side ni Drake dahil noon pa man ay ganito na ito so what could I expect. "Una sa lahat kaya kami magkasama at dahil nga pinasabay niya ako sa kotse nya papunta dito at pangalawa niyaya o syang makisabay sating maglunch mamaya para makabawe sa pagpapasabay niya sakin kanina. Okay na!" paliwanag ko sa kanya habang pilit na pilit akong ikontrol at pigilan ang inis ko dahil ayaw kong sabayan ang inis niya nang inis ko. "Sa susunod kasi antayin mo ako sa bahay nyo at mas aagahan ko pa ang pagsundo sayo para sakin kana sumabay papuntang school. Kakakilala nyo pa lang nong taong yun eh baka mapano kapa at siguradong mag aalala ako sayo" saad niya sa mas mahina at mahinahong boses at tila nahiya siya sa huling sinabi niya ngunit dahil sa mahina ang pagkakasabi niya noon ay hindi ko na ito narinig. "Ha? ano nga uli yung huli mong sinabi?" tanong ko sa kanya tungkol sa huli niyang sinabi ngunit inakbayan na lamang niya ako. "Ahmm wala wala. Tara na pasok na tayo" saad pa niya saakin at inakay na ako habang akbay niya ako papuntang room namin. "Okay" sabi ko na lamang at nagpaakay sa kanya. *********************************** *Lunch time* KENT DRAKE SANDOVAL Kasalukuyan kaming naglalunch ni Amber ng may tumawag na asungot sa pangalan nya "Amber!" tumingin naman sa kanya si Amber at kumaway kaway pa ito dito habang ako ay napasimangot na lamang at tumahimik. "Dito!" sabi ni Amber dito kaya patakbo itong pumunta sa lamesang kinakainan namin ni Amber hayyyssss wala nga dito si Justin may pumalit naman na isa pang asungot. “Tsssskkk” tanging nasabi ko na lamang nang makalapit na ito nang tuluyan saamin. Nang nakaupo na ang asungot ay todo ngiting ngiti itong nakatingin kay Amber. Neknek mo asungot hindi kita hahayaang makadamoves kay Amber ko akin lang siya. He's mine alone. Nagpatuloy na kaming kumain ni amber habang ang asungot ay nag order nang pagakain niya at nang makabalik na ito sa table namin ay kaagad na napansin ni Amber ang pagkaing inorder niya dahil konti lamang ito. "Oh bat yan lang ang inorder mo?" tanong ni Amber sa kanya at parang gusto kong burahin ang ngiting ibinibigay niya kay Amber dahil nakakabanas lamang ito. "Ahmm makita lang kita busog na kasi ako eh" banat naman nito habang kinindatan pa si Amber "kaw talaga Greyson mapagbiro" nahihiya namang saad ni Amber dito na parang namumula pa ang mukha na nagpainit talaga nang ulo ko at nagpatigil saaking sumubo nang pagkain. Matunog ko namang ibinagsak ang kutsara at tinidor ko sa plato ko dahilan para matuon ang pansin nila saakin pero ako ay nanatiling tahimik lamang habang kinakalma ang sarili dahil ayaw ko namang magsimula nang away at mamaya pa ay mapasama pa ako sa paningin ni Amber mahirap na. “may mali ba sa kinakain mo Drake? Hindi mo ba gusto ang inorder mo?” tanong naman saakin ni Amber pero nanatiling tahimik parin ako at alam kong nakangisi lamang saakin si Greyson dahil nakikita niyang naapektuhan ako sa mga ginagawa niya pero hindi ko siya hahayaang manalo. "Papansin" malamig na parinig ko sa kanya habang kumain nang muli. "Ha? may sinasabi ka ba pre?" maang maangan niyang tanong sakin kaya tinitigan ko na lamang siya gamit ang malamig kong tingin at alam kong napapansin na ni Amber na nagkokontrol na lamang ako nang sarili ko sa mga oras na to. "Bakit may narinig ka ba?" malamig kong tanong sa kanya at nakipagsukatan nang titig pero sinaway na kami ni Amber. "Tama na nga yan kumakain tayo kaya ubusin nyo na at kainain ang mga pagkain nyo at malapit nang mag time" awat naman ni Amber saamin nang mapansin niyang naiinis na talaga ako nang todo at alam kong kahit nakangisi rin ang gagong yun ay alam kong naiinis na din to. Nag iwan pa kami nang matalim na titig sa isa't isa bago muling kumain. Natapos rin ang nakakawalang ganang eksena kanina nagiging moody na ata ako simula ng malaman kong mahal ko nga si Amber mabilis akong nagseselos kahit hindi naman kami. Eh sa ganon ako eh and I won't try to deny it. Uwian na at sinabay ko si Amber pauwi a kagaya ng ginagawa ko lagi. Di parin nagbabago ang ekspresyon ng mukha ko kunot ang noo at hindi maipinta ang mukha ko habang nagmamaneho dahil hindi ko parin malimutan ang pang iinis nang gagong yun kanina sa cafeteria. Halatang halata naman na talagang sinasadya niyang inisin ako para sumabog ako at makita ni Amber ang pagiging bayolente ko kaya kahit na mahirap ay pinigilan ko ang sarili kong patulan sya para hindi saakin matakot si Amber once na sumabog ako at mailabas ko ang pagkabayolente ko. I don't want to scare my baby off me. "Hoy anung mukha yan hindi na maipinta sa sobrang pagkagusot?" puna niya sa nakabusangot kong mukha. "Wala to wag mo nalang akong pansinin. Masama lang ang nangyare araw ko" sagot ko sa kanya habang nasa daan parin ang tingin at patuloy lamang sa pagmamaneho. "Di nga bat ba nakabusangot yang mukha mo ha? Dahil ba sa nangyare kanina sa cafeteria?" pangungulit niya sakin at sinundot sundot pa ang braso ko pero napailing na lamang ako dahil bumabalik sa ala ala ko ang nangyare kanina at mas lalo lang nadaragdagan ang inis na naramdaman ko. "Ewan" malamig na sagot ko na lamang sa kanya. "Hayyyss nakakaloka ka iliko mo nga dyan sa kanto ang kotse" sabi niya saakin kaya mas napakunot ang noo ko at saglit siyang tiningnan. "Bakit? di naman dyan ang daan patungo sa bahay nyo diba?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Punta tayong carnival para naman mawala yang badtrip mo. Ang pangit mo kasi pag gusot at hindi maipinta yang mukha mo" sabi niya habang natatawa sa itsura kong nakabusangot. Hindi ko alam pero sa pagkakataong to ay para bang kusang gumuhit ang ngiti sa labi ko at bigla ring nawala ang pagkabadtrip ko. Parang tipong nagkaenergy ulit ako excited na ako dahil makakadate ko na naman siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD