Chapter 42: Proof

1133 Words

Alanganin akong tumawa at hindi makatingin kay Will. Hinawakan niya ako sa braso at humarap sakin. Tumingin siya sa mga mata ko. Biglang naging kulay ang mga mata niya. Ilang segundo lang napakurap siya. Binatawan niya ako at umalis. Lumapit naman agad si Minerva at dinala ako sa dormitoryo. “Kumain ka muna.” Agad na sabi niya pagpasok namin sa silid ko. “Wala akong gana.” “Nakita nila ang ginawa mo.” Tumakbo ako palapit sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya. “M-May kakayahan ka nga!” bulalas niya. Umupo ako sa tapat ng mesa. “Hindi ko rin alam kung saan ko galing ito.” Tinapik niya ako sa balikat. “Malalaman mo rin. Huwag mong masyadong isipin. Una natin dapat gawin ay ipagpatuloy ang pagsasanay mo.” Nakangiti niyang sagot. “Hindi ko alam kung kailan at kung paano ito lalabas.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD