Chapter 13: Minerva Rules

1170 Words

Hindi kumibo si Minerva at iniwan ako sa kama. Ano bang nangyari sakin? “Minerva!” Napatingin ako sa may pinto ng buksan niya.. Bago pa makalapit sakin si Jeon mabilis siyang hinila ni Will at tumitig sakin. “Wala akong ginagawang masama!” Napalingon silang lahat ng sumigaw ako. Namutla ako sa ginawa ko. Lumapit sakin si Will at pinitik ng mahina ang tuktok ng ilong ko. “Defensive.” Isang salita lang sinabi niya pero tumalon ang puso ko sa tuwa. “Woooh! Bakit namumula si Nancy?” Napako ang tingin ko sa pinto at nakita ang malawak na ngiti ni Vince. Napailing ako at biglang may humawak sa baba ko. Pagharap ko napatitig ako sa mga mata ni Will. Sa isang iglap biglang nag-iba ang awra niya—nagliwanag at naging mabagal ang paligid. Ramdam ko ang pagdapo ng kamay niya sakin noo at napatay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD