Chapter 12: The Mysterious Girl

1653 Words

Hindi kumibo si Professor Clark at biglang umalingawngaw ang malakas na tunog ng bell. Napangsihap ako at tumakbo palapit sa bintana. “Mahaba ang tulog mo kanina kaya hindi ka namin ginising,” Napaharap ako sa kanya. “Maraming salamat po.” magalang kong sagot at naglakad palapit sa pinto. Hindi ko maipaliwanag pero humarap ako muli sa kanya. “Miss na rin po niya kayo.” Ngumiti ako at lumabas na ng silid. Napahinto ako ng makita ang maraming estudyante na nakaabang sa labas. Ang mga mata nila ay nanlilisik at ano man oras aatakahin nila ako. Umiling ako sa naisip at pilit na ngumiti hanggang nakalayo na ako sa kanila. Paglabas ko nakita kong madilim na agad sa paligid. Saan banda ang dormitoryo ko? Ang katahimikan sa bawat madaanan kong silid ay nakakabingi. Nagpatuloy akong maglaka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD