Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Nasa isang malaking hall ako na puno ng pagkain at mga nilalang na nakasuot na mahahabang gown na pabalon at may hawak ng kopita sa kamay. May nagsasawa sa gitna na mukhang mga couples. Pumikit ako at dumilat pero nandito para ako sa isang pagdiriwang. “Miss Ward, tayo na po sa harap.” Napamaang ako ng makita ang isang babae na kayumanggi ang balat at mapupula ang mga mata. “Miss Ward?” tanong niya muli. Ako ba ang tinutukoy niya? “Nagkakamali ka—” “Iha!” Napalingon ako ng biglang may sumigaw mula sa likuran. “Nag-iinarte ka na naman ba?” bulong niya sakin. “Hindi ko kayo kilala!” Sumigaw ako ng biglang hawakan nila ako. “Nancy!” Ramdam ko ang pagtapik sa balikat ko. Nang dumilat ako nasa silid na ako ng dormitoryo. Nagtama ang mga mata namin

