Ang mga mata ko ay nanlumo hanggang matapos kong basahin ang nasa librong hawak ko. Tungkol lang lahat ng ito sa mga Ward pero walang nabanggit na Cia. Humiga ako sa kama ay biglang pumasok sakin isip si Steve. Nagmadali akong tumayo. May isang oras pa kong bago mag-6pm. Lakad at takbo ang ginawa ko hanggang makarating ako sa room ni Professor Clark. Hindi ko mawari bakit ito ang unang kong pinuntahan. Nanlumo ako ng makita sarado ang pulang pinto. Akmang aalis na ko ng may magsalita sa likod nito. “Masyado tayong dumidepende sa mga Damien’s brothers. Hindi dapat tayo nasasanay sa dugo ng hayop!” sabi ng baritonong boses. Umiikot ako at nakita sila sa likod ng silid. Mga lalaki nakaunirporme ng asul at may pulang buwan na logo sa necktie nila. Tama ba ang narinig ko? Napangiti ako da

