Nakauwi na ako sa dormitoryo pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi ni Steve. Umiling ako. Si Will nga hindi naniniwala na ako ang hinahanap niya. Huminga ako ng malalim at tumingin sa hawak kong libro. Binuksan ko ito at tumambad sakin ang lumang mansyon sa panaginip ko. “Ward Mansion?” Ginugugol ko ang oras sa pagbabasa hanggang hindi ko na namalayan ang oras. “Pulang mata? Ito ay simbolo ng kapangyarihan.” Pinagpatuloy ko ang pagbabasa sa history ng mga Ward. Sa librong hawak ko laging sila ang binabanggit. Sila siguro ang unang bampira sa Renera. Konklusyon ko pero napahinto ako ng mahagip ang larawan ng matandang lalaki na may balbas na kulay puti. Tinitigan ko itong mabuti. May pagkakahawig sa mga Damien’s brothers. Ang unang gyera sa Renera Academy. Nangilabot ako sa s

