Patuloy lang si Will na hinawakan ang labi ko habang ang puso ko palakas ng palakas ang pintig nito. Hindi ako makakibo hanggang tinanggal niya ang daliri niya at pinakita ang pangil. Tumitig lang ako sa kanya naghihintay ng susunod niyang gagawin. “Ito ang totoong ako, Nancy Wayne.” Bulong niya. “Tumakbo ka na at umuwi sa inyo!” Sigaw niya at akmang aatras ng hawakan ko ang braso niya. “Hindi ako natatakot sayo.” Giit ko. Umiling lang siya. “Kaya ka namin patayin ano man oras.” Diin niya. “Hindi mo magagawa iyon. Binigyan niyo pa ako ng bantay na si Zeus pero siguraduhin ang safety ko.” He smirked and stared at me blankly. “Bakit naman gagawin yun?” “Bakit nga ba?” Balik kong tanong. “Hindi mo ba nakikita kung ano ako?” Sagot niya at lumapit sakin. Isang dangkal na lang ang pagit

