Pumikit akong muli at pagdilat ko nasa silid na ako. Pagod lang ito. Kumbinsi ko sa sarili at tumingin muli sa bintana. Nawala na ang pulang buwan at naging madilim lang ang langit. Tumayo ako at lumapit sa bintana. Sinubukan ko itong buksan at nanlaki ang mga mata ko. Sumalubong sakin ang mga bituin sa langit at ang lamig ng ihip ng hangin. Pinagmasdan ko ang buong kalangitan at napaatras ng makita ang babae na may suot ng uniform namin na tumalon sa bubong. Kinusot ko ang mga mata ko at laking gulat ng lumingon sakin ang babae. Tumalon siyang muli at sinara ko ang bintana. Ang mga mata niya na mapupula at ang ngipin niyang matutulis ang tumambad sakin pagkasara ko ng bintana. Sumigaw ako ng napakalakas at nanghihinang napaupo sa sahig. Nanginginig ang buong kalamnan ko habang kinakatok

