Nakatitig lang ako sa mga mata ng mommy ni Cia. Hindi ko alam kong anong dapat sabihin o isagot sa kanya dahil ako mismo ngayon ko lang napansin ang nakaukit na simbolo sa kanan kamay ko. Tanging alam ko lang ang marka sa balikat ko na lumiit at nasa likod ng leeg ko na lang ito. Bigla siyang kumalma at binitawan ang braso ko. “Ako ang mommy ni Cia,” Simula niya. Aabot ba si Will na makapunta sa kinatatayuan namin? Nakatitig lang ako sa mga mata niya habang nanginginig ang mga tuhod ko. Hinawakan niya muli ang kamay ko at tumawa siyang ng malakas. “Imposible!” sigaw niya at mabilis na tumakbo palayo. Nanghihina akong umupo at niyakap ang sarili. Hindi na ba ako mahanap ni Will? Pumikit ako at ang bilis ng daloy ng dugo ko ay nagsimula muli. Nagmulat ako at napakapit sa puno. Nakikita k

