Napatayo ako ng tuwid, at napatingin ako sa maliit na bintana sa banyo pero… Lumingon ako sa may pinto hahayaan ko bang mapahamak si Minerva. Hindi! Sigaw ng isip ko kaya lakas loob akong lumabas habang nakatapis lang ng twalya. Namutla ako ng makita ang Damien’s brothers ang nasa harap ko at may kasama silang lalaking naka uniform na may hawak na paperbag ng pagkain. “Talikod!” bulyaw ni Will habang sakin nakatingin. Mabilis akong tumalikod. Narinig ko ang mga tawa ng magkakapatid. “Sabing tumalikod kayo! At ikaw Ci–Nancy huwag kang lumalabas na ganyan lang ang suot balik sa loob ng banyo!” sigaw niya. Mabilis akong tumalima at ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Buntong hininga ako at sinara ang pinto. Ang lakas ng pintig ng puso ko at hindi makapaniwala sa nakita. Anong ginagawa nila

