Nakakabingi ang katahimikan sa red room. Wala ni isang gustong sumagot sa tanong ko. Ibig sabihin na may posibilidad talagang mamatay ako kapag hindi ko kinaya ang venom ng bampira. Tumikhim ako at umupo sa coach. “M-Masyado naman kayong seryoso.” Pilit kong pinagaan ang lahat hanggang tumawa si Vince. “Oo nga, gutom ka na ba Nancy? Tara punta mo na tayong—” “No! Ako na lang sasama sa kanya.” Singit ni Will. “Huwag na.” Sagot ko. Tumayo ako at akmang lalabas ng pigilan niya ang kamay ko. Lumingon ako sa kanya. “Hindi ka pwedeng lumabas na walang kasama.” Giit niya. Bago pa ako makasagot nahila na niya ako palabas. Pilit kong binabawi ang kamay ko pero kinuha niya lang ulit. Nanahimik na lang ako hanggang makarating kami sa kainan. Kunot noo akong napatingin. Bakit parang nag-iba? Hal

