Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa mga sinasabi ni Minerva. Imposible maging ako si Cia. Ang babaeng mahal ni Will. Isa pa sa Bulacan ako lumaki. “Nancy Wayne!” Tumayo na ko ng marinig muli ang boses ng babae sa labas. Mabilis naman humarang sa pinto si Minerva. “M-Magpapakita lang ako sa kanya.” Nauutal kong sagot habang sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Umiling siya. Bumuntong hininga ako. “Hindi ba dapat wala kang ikatakot kung naniniwala ka talaga na ako si Cia?” Pinakalma ko ang tono ng boses ko at kinuyom ang kamao ko para maging matapang ako sa harap nila. “Sasamahan kita.” giit niya. Tumango na lang ako at unti-unti niyang binuksan ang pinto. Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Will ang nasa pinto. Hindi siya nagsasalita pero nakatitig lamang siya sa mga mata ko. Wala ako

