Lumipas ang ilang minuto dumating na rin si Minerva. Tahimik lang siyang tumitig sakin. Umiwas na lang ako ng tingin. “Kumain ka na ba?” Kunot noo ko siyang tinignan, parang may mali sa ikinikilos niya. Masyadong matinis ang boses niya, hindi kapareho ng normal niyang boses. “Tinatanong kita!” Nanlaki ang mga mata ko ng sumigaw siya at dinuro ako. Tumayo ako at naglakad palayo sa kanya. “Pasensiya na.” Napalingon ako sa sinabi niya. Hindi ganito si Minerva. Tumango na lang ako at akmang pupunta sa pinto ng mabilis siyang humarang. Tinuro niya ang nakahain na pagkain sa mesa. Tumikhim ako. Pilit akong ngumiti kahit sobrang kabado ko. Alam kong may mali pero, bakit hindi ko magawang tumalima sa sinasabi niya? “Good. Masunurin ka naman pala.” sabi niya sabay tawa ng malakas. Nababaliw na b

