Nakikita ko sa mga pulang mga mata ni Will ang sakit na kinikimkim niya. Umatras ako pero mabilis niyang hinila ang braso ko. “You are aware that you are in my territory! Don't you dare mock me!” He hissed. I move a little, trying to remove his grip. Masyadong matigas ang pagkakahawak niya sa braso ko pero, bakit hindi ko maramdaman ang sakit? Natuon ang atensyon ko sa braso ko na hawak niya na nagbibigay ng kakaibang pakiramdaman sa sistema ko. Ilang segundo ang lumipas binitawan niya rin ako pero ang mga mata niyang biglang kuminang. Napalunok. Lagot ako sa kanya. “Gusto ko—” Umiling siya at hinila ako palabas ng silid at hindi pinansin ang pagtawag ni Minerva at mga bulung-bulungan ng mga kaklase namin. “Saan mo ba—” Huminto siya at humarap sakin na nanlilisik ang mga mata. “Sabi ko

