Mabibilis ang bawat galaw ni Ezekiel at Will. Hindi ko malaman kong sino ang lamang at kung sino ang talo. Isang malaking bato ang kinuha ni Ezekiel at hinagis niya ito kay Will. Isang suntok lang ni Will nadurog ang mga bato at papunta ito sa direksyon ko. Nilagay ko ang mga kamay ko sa ulo at hinintay ang impact nito pero wala akong naramdaman. Tumayo ako at napatitig kay Will na nakaharang sakin at isa-isa niyang sinipa ang mga bato papunta kay Ezekiel. Ang t***k ng puso ko ay bumilis at hindi ko maalis ang titig ko sa kanya. Hanggang tumingin siya sakin. “Umalis ka na rito!” sigaw niya. Matalim ko siyang tinignan ng biglang aatakihin siya ni Ezekiel. Mabilis kong tinulak si Will at napapikit ako. Pagmulat ko bulagta na si Ezekiel sa harap namin. Tumingin ako sa paligid pero wala akon

