"Tama na lasing ka na eh!" awat ni Charlie kay Sevy na panay ang inom ng alak na isinasalin ni Skyler na parang tuwang-tuwa pa na nakikipag bulungan kila Railey. Halata naman nilalasing lang ng mga ito si Sevy habang si Dennis naman ay naka abang ang cellphone nito. "Hindi pa yan lasing Cha, intayin mo masaya kapag na lasing si Sevy." bungisgis pa ni Dwight. "Nag salita isa ka pa rin naman sira-ulo kapag nalalasing." ani Aira. "Shhh!" saway naman ni Megan na may hawak din cellphone na pasimple ng nakatutuk sa asawa n'ya. "Baka ipa hostage tayo ni Sevy nito." tawa naman ni Railey na muling nag salin ng alak sa baso na muling ininom ni Sevy. "Tama na! Baka naman sumuka na." wika ni Cha na sinaway na ang mga kaibigan. "Dina-daya n'yo ako e." wika ni Sevy. "kaka-inom ko lang bakit ako n

