Panay ang ngiti ni Sevy habang kumakain sila ng hapunan ayaw sana ni Charlie na sabayan si Sevy sa hapunan pero hindi ito pumayag. After ng halikan nila kanina talaga naman parang gusto na ni Charlie pumanaw sa kakahihiyan dahil yung ngiti ni Sevy ngiting naka jackpot na tunay na talagang nakakapikon. "Naka kita ka na ba ng platong nag pa-flying saucer." inis na tanong ni Charlie. Napangiti si Sevy na maganang kumakain samantalang s'ya hindi na n'ya magawang nguyain ang kinakain dahil talagang hiyang-hiya pa s'ya. Imagine tinangka pa n'ya kaninang buksan ang pantalon nito kung 'di lang s'ya napigilan ni Sevy na abot tenga ang ngiti. Hindi pa daw puwede mag intay pa daw s'ya ng right time at hindi pa daw ito ang right time para higitan nila ang halik na pinag salunan nila. "Bakit ba? baw

