BUMALIK na nga ako sa kwarto ng aking anak, tulog parin ito kaya naisipan ko munang tabihan ito sa kanyang pagkakahiga. Niyakap ko ang aking anak saka maya-maya ay nagsilabasan na ang mga luha na kanina ko pa pinigilan. "Anak, pasensya Kana sa daddy mo ha, wala tayong magagawa dahil option lang tayong dalawa. Dahil ang tunay na mahal ng daddy mo ay ang babaeng si Agatha. Siya ang babaeng gustong makasama ng daddy mo. Wag ka sanang magalit sa daddy mo kapag malaki Kana ha. Dahil wala tayong karapatan anak , ano mang oras ngayon pwedeng-pwede tayong palayasin ng daddy mo dito kahit na kasal na kami at anak ka namin. Siguro darating ang araw na lumaki ka na kami nalang ng tita, tito mo at ng lola mo ang makagisnan mo. Hindi kasama ang daddy mo. Pasensya Kana anak kong hindi buo ang pamilya

