KATAPOS lang paliguan ni Anna ang kanyang tatlong buwang sanggol na anak, ng biglang pumasok sa kanyang kwarto ang asawang si Christopher. "Ano nanaman ba ang ginawa mo kay Agatha ha Annabelle?" Singhal ni Christopher sa kanyang asawa sabay sapilitan siyang iharap sa kanya. Kamuntikan na nabitawan ni Anna ang kanyang anak kong hindi siya naging maagap. "Ano ba! nasasaktan ako"! galit na turan ni Anna sa asawa. "Aba matapang Kana ngayon! baka nakalimutan mong nanay ka lang ng anak ko," anito dahilan para matahimik si Anna sa sinabi nito. Nagsimula ng tumulo ang kanyang mga luha. "Bakit hindi mo nalang kami paalisin sa bahay na ito Christopher? ng sa ganun maging maligaya na kayo ng kabet mo"? tugon ni Anna sa asawa "pwede ka namang umalis, basta iwan mo ang bata sakin. Dahil kaya nama

