Nang bumalik si Hilda sa taas ng kanilang palasyo upang anunsyahin ang kaniyang plano sa kaniyang mga tao at sa kailangan nilang gawin kayna Daniel at lalong-lalo na kay Stephanie, ay agad nitong pinatawag ito kay Sydney. “Sydney, tawagin mo ang mga alagad natin. May mahalaga akong sasabihin sa kanila ngayon na,” utos ni Hilda kay Sydney. “Sige po,” tugon naman ni Sydney rito kay Hilda. Nag-tungo kaagad si Sydney sa baba upang tawagin ang mga alagad ni Hilda, nang makita si Sydney ng lider ng mga alagad niyon ay agad napatayo ito. “Ano po ang kailangan nila madam Sydney?” tanong ng lider dito. “Pinapatawag kayo ngayon ni Hilda, may mahalaga raw siyang sasabihin sa inyo. Ngayong posible na may iuutos siya sa inyo ay gawin niyo ng maayos ang inyong trabaho, wag nyong hayaan na idamay n

