Nakabalik na ang dalawang alagad ni Hilda na galing sa mismong kompanya nina Daniel, at nang makarating ang dalawang iyon ay nag-tungo kaagad ito sa taas nang palasyo. Pag-kakita ni Hilda sa dalawa niyang alagad ay agad niyang tinanong ito, “Ano? Nakita niyo ba? Natunton niyo ba kung nasaan na naman sila?” tanong ni Hilda sa dalawa. Napatungo naman kaagad ang dalawa at hindi nakasagot sa kanilang amo, “Ano? Hindi kayo makasagot? Kasi? Hindi niyo nakita? Sa tingin niyo paano niyo makikita kung kayo na mismo ang nag-pakawala sa kanila?!” sigaw ni Hilda sa dalawa niyang alagad. “Pasensya na po talaga madam,” tugon naman ng lider, “Anong magagawa ng pasensya mo at pag-hingi mo ng tawad? Maibabalik ba niyan ang hinuli ko?” tanong ni Hilda sa alagad. Hindi na muling nakasagot ang mga alaga

