Habang nasa silid sina Chloe at Stephanie kasama ang mga bata ay kinatok na sila ng matrona para kumain sa canteen, “Stephanie? Mag-handa na at tayo ay kakain na,” pahayag ng matrona sa kanila “O-opo matrona masusunod po,” tugon ni Stephanie. Agad na pinapila nina Stephanie at Chloe ang mga bata, “Mga bata, pila na. Kakain na tayo,” pag-tawag ni Chloe sa mga ito. Dali-dali namang nagsipila ang mga bata ng maayos. Nasanay na ang mga bata sa patakarang ganoon kaya’t hindi na ganoon nahihirapan sina Stephanie at Chloe. “Nakakatuwa naman kayo, magaling yan at napila na kayo ng maayos,” pahayag muli ni Stephanie “Opo naman po, gutom na po kasi kami eh,” tugon naman ng isang bata na si Hayley “Oh sya, tara na. Pag-labas natin, bawal ang maingay okay ba iyon? Susunod sa amin ng ate ha,” paha

