Pabalik na sina Stephanie sa kanilang silid kasama ang mga bata, at habang nag-lalakad sila sa hallway ay napansin nila ang matronang si Hilda na galing sa kanilang silid kasama si Cristina, kaya’t sila ay napatigil. “Saglit, wag ka mag-lalakad,” pahayag ni Stephanie sa kaibigang si Chloe, napatigil din naman ang mga bata. “Bakit? Anong meron?” napabulong si Chloe sa biglaang pag-tigil nila sa daan. “Ang matrona, galing sa silid natin,” tugon ni Stephanie kay Chloe, “Ang matro!?” napa-sigaw ang bata ng marinig yun ngunit biglang tinakpan ni Chloe ang bibig nito, “Shhhhhhh” pahayag ni Chloe Napalingon ang matrona sa likod niya ng parang may narinig siya, “May narinig k aba Cristina?” tanong ng matrona sa kasama niyang si Cristina, “W-wala po matrona, tara na po?” tugon ni Cristina sa

