Lumabas at umaktong normal si Hilda pag-kalabas ng banyo, at natakot si Cristina nang lumabas na ito. “Ahm, matrona okay lang po ba kayo?” tanong ni Cristina dahil sa narinig niyang sigaw nito “Okay naman ako, tara na. Nag-sayang lamang tao ng oras dito,” tugon ni Hilda kay Cristina. “Sige po,” saad naman muli ni Cristina. Nag-lakad na ang dalawa palabas sa paaralan, “Ano na po ang ang plano ninyo matrona? Lalo na po ngayon na hindi natin matagpuan sina Stephanie, Chloe at Joshua,” tanong naman ni Cristina kay Hilda. “Hindi ko pa alam, sa ngayon ay gumawa ka parin ng ibang paraan para makita natin sila, dahil hindi ako makapapayag na hindi natin sila matagpuan, ito na ang katapusan natin kung hindi natin sila makita,” tugon ni Hilda sa tanong ni Cristina. Hindi na nag-tanong muli si

