Walang nagawa si Daniel sa desisyon na sinabi ni Stephanie sa kaniya, na hindi sila pwedeng umalis ng kanilang lugar hanggat hindi nawawala si Hilda sa pag-kakaroon ng kasamaan niya. “Fine, kung yun ang gusto niyo go. Pero ngayon sinabi ko na ah, gusto ko lang kayo ingatan doon sa matrona niyo dahil mga kaibigan ko kayo. I don’t care kung masaktan ako dahil sa kaniya, pero yung kayo, ayoko,” pahayag ni Daniel kayna Stephanie, Chloe at Joshua “Bro kilala naming ang matrona, kahit mawala ka pa, kung kami ang kailangan niya lalo na’t si Stephanie. Hindi pa rin siya titigil sa kakahanap sa amin kung hahanapin niya kami,” saad ni Joshua sa kaibigang si Daniel “Oo Daniel, kaya nga ngayon pa lang kailangan ng harapin ang matrona, para tumigil na at maging tahimik na ang buhay naming lalo na a

