Masayang nakikita ni Daniel ang kaniyang mga kasama na masaya. “Guys, ano? Let’s go?” tanong ni Daniel sa kaniyang mga kasama “Tara tara Daniel!” masayang tugon ni Chloe sa kaibigan. Nag-lakad na si Daniel, at sumunod naman agad sina Joshua, Chloe at Stephanie. Nagpunta muna sila sa may entrance. “Good Afternoon Sir.” Pag-bati ng gwardya na nakatayo at nagbabantay sa entrance. “Good Afternoon din, mga kasama ko,” pahayag ni Daniel sa gwardya. At hinayaan ng gwardya na makapasok ang tatlo nina Stephanie. “Pasaan tayo Daniel?” tanong naman ni Joshua sa kaibigan “Ahm, basta, gusto mob a mag-cr muna?” pabalik na tanong ni Daniel sa kaibigan. “H-hindi, hindi. Mamaya nalang,” tugon naman ni Joshua “Sige, tara sa elevator,” pag-aaya muli ni Daniel. Nag-lakad patungo ang mga ito sa elev

