Masayang nag-lilibot ang mag-kakaibigan sa park kung saan pag-mamay-ari nina Daniel iyon. Hindi nila alam ay patungo si Sydney sa kompanya nina Daniel kasama ang mga kaibigan niya at ito ay patungo sa kaniyang ama. Habang nasa byahe sina Sydney at nag-mamaneho naman si Gabriella ay tinanong nito si Sydney, “Malayo pa ba? nasa city na tayo eh. Sigurado ka bang alam mo iyon?” “Isasama ko ba kayo dito kung hindi ko alam?” tugon ni Sydney At napatihimik naman si Gabriella sa sagot ng kaibigan. Bigla namang napansin na ni Sydney ang kompanyang napakalaki kung saan nagtatrabaho ang kaniyan ama, kaya’t papalapit pa lamang ay pinatabi ni Sydney sa Gabriella. “Nakita mo ba ‘yang building na yan? Diyan nagtatrabaho si Dad, pag-mamayari nina Daniel yan,” pahayag ni Sydney sa mga kaibigan. Agad

