Hawak ni Chloe ang cellphone ni Daniel at pinag-mamasdan ang litrato nilang mag-kakaibigan. “Anong tinitingnan mo diyan Chloe?” tanong ni Daniel ng napansin niya na hawak ni Chloe ang kaniyang cellphone. “Mga picture naming kanina, ang galing mo kumuha ng litrato,” tugon ni Chloe sa kaibigan. “Gusto mo ba magkaroon din ng copy para hindi lang ako ang meron?” tanong muli ni Daniel “Pwede ba? hindi ba nakakahiya sayo?” tanong naman ni Stephanie. “Ano ba kayo, syempre naman. Kayo pa ba?” tugon naman ni Daniel. “Salamat Daniel ah!” pahayag ni Chloe sa kaibigang si Daniel At dahil nakaramdam ng gutom si Daniel habang nag-mamaneho, ay nag-aya ito na kumain muna sila sa kainan nila sa tapsilogan. “Is it okay guys if kumain muna tayo sa tapsilogan bago ko kayo ihatid sa bahay ampunan?” tan

