Habang nag-sisikainan sina Stephanie, Chloe at Joshua kasabay ang mga madre ganoon na din ang mga bata sa canteen ay masayang-masaya ang mga ito. “Hindi ko alam nag anito kasaya ang mararamdaman ko nang makabalik tayo dito sa bahay ampunan,” pahayag ni Stephanie habang siya ay dahan-dahang kumakain, “Ako din, siguro kung nandito pa ang matrona—Este si Hilda, hindi ganito kasaya sa bahay ampunan at hindi ganiyan kasaya ang mga bata,” tugon naman ni Chloe sa kaibigang si Stephanie, Habang nag-uusap sina Stephanie at Chloe ay napatingin sa paligid si Joshua at pinag-mamasdan nito ang mga mukha ng mga tao na ipinapagkumpara niya sa noon, at napansin naman iyon ng kaibigan nitong si Stephanie, “Oh Joshua? Ano ang tinitingnan mo? May hinahanap ka ba?” pag-tataka ni Stephanie sa kaibigan, a

