Nang nag-papaalam na si Joshua sa kaibigang si Daniel sa telepono ay agad namang napansin ni Stephanie ang kaibigang si Joshua at napansing may kausap sa telepono, kaya’t itinigil nito ang kaniyang ginagawa kasama ang bata at pinuntahan niya ang kaibigang si Joshua. “Ah Joshua? Sinong kausap mo?” tanong kaagad ni Stephanie sa kaibigan, Nagulat si Daniel nang marinig ang boses ni Stephanie at nag-tanong sa kaibigan nilang si Joshua. “Ah—si Daniel, nagpapaalam na sana siya kaso noong dumating ka, syempre ano pa nga bang gagawin ko? E di ang ibigay sayo ang telepono at kausapin siya hindi ba? Haha” tugon naman kaagad ni Joshua sa kaibigang si Stephanie. Iiniabot kaagad ni Joshua ang telepono kay Stephnaie, “Hello? Daniel?” pahayag ni Stephanie kay Daniel. “Oh Stephanie, akala ko may ginag

