Sinagot ni Joshua ang tawag sa telepono ni Daniel, ngunit nang pag-kasagot nito ay hindi ito biglang nakaimik. Napansin ni Chloe ang itsura ng kaibigang si Joshua. “Anong kailangan mo?” matapang na pag-kakatanong sa tumawag sa telepono ni Daniel, “Wala naman akong kailangan, gusto ko lang malaman kung kailan kayo mag-papakita sa amin,” tugon naman ng tumawag sa telepono ni Daniel. Hindi na muling sumagot si Joshua sap ag-kakasabi sa kaniya niyon, kaya’t pag-patay sa tawag ay agad nitong pinatay ang telepono ni Daniel. Sa sobrang pag-aalala ni Chloe sa kaibigang si Joshua, ay hindi n anito napigilan ang kaniyang sarili na mag-tanong. “Sinong nakausap mo? Bakit naging ganyan ang mukha mo?” tanong ni Chloe habang siya ay nakain ng kaniyang almusal. “Ang matrona, tumawag,” tugon naman ni

