Tanghali na at nag-sisimula na muling kumain sina Daniel kasama ang kaniyang mga kaibigan sa kaniyang condo. Ngunit nang sumilip si Ronald sa labas ng bintana ay bigla niya muling napansin ang alagang uwak ni Hilda at nananatili paring nag-iikot sa condo ni Daniel at agad na sinarhan niya ang kurtina, “Paano na po sir? Mukhang hindi na tayo tatantanan ng alaga ng matrona nina Stephanie,” pahayag ni Ronald sa kaniyang boss na si Daniel at umupo na sa hapagkainan. “Hayaan mo na, as long as hindi pa nila nalalaman na nandidito nga tayo. Siguro habang maaga pa, kailangan na muli nating umalis dito sa condo at lumipat sa iba. Kung hindi tayo aalis dito mahuhuli at mahuhuli tayo,” saad naman ni Daniel sa kaniyang assistant na si Ronald. “Okay lang ba sayo Daniel? Hindi ba parang nakakahiya n

