MARIAS OF MY LIFE
Maria Jewel Aguinaldo
THE BODYGUARD
written by: Blackrose
Chapter 6
Almost a week had passed mula ng nagsimula ako bilang bodyguard ni Cale. Sabado ngayon and since wala naman daw pupunta si Cale, he gave this day as my off. After 6 days of dealing with his flirty attitude and a mind blowing investigation, nakapag-pahinga rin sa wakas. I need a day off from work dahil I also need to refresh my mind and body. Nakakapagod kaya lalo na sa utak ang pagiging bodyguard, your mind is working kahit na nakatayo ka lang at nagbabantay. So masaya ako today dahil bukod sa off ko ay sakto rin na walang gawa today si B. Napagkasunduan namin kahapon that we'll go on a date today after namin dumaan sa BRICA para mag-update kay Big Boss. Nagbibihis na ako, it's already 9:30 in the morning at ang usapan namin ni B ay 10am niya ako dadaanan dito sa unit ko. I wear a milk white sun dress na may mga big colorful blooming flowers as design sa end ng skirt, above the knee ang haba nito pero I wore a white cycling shorts sa loob. I've been on my usual clothes for almost a week kaya naisipan kong mag-dress naman this time, tutal I'll be on a date and not at work. Nag-flat shoes rin akong white and wear a white hairband then nagwisik ako ng strawberry scent perfume ko at sinuot ko na ang aking silver wrist watch. I didn't wear any jewelries dahil I want to be simple lang today. Papalabas na ako when I heard the door bell rings. Nakangiti akong nagbukas ng pinto, expecting the one outside is B kaso hindi mukha ni B ang nabungaran ko. It is my new boss Cale na naka-jogging clothes at sinisipat ako mula mukha ko pababa sa paa ko.
'Ehem!' nagbalik tingin siya sa mukha ko. I saw admiration in his eyes and something na hindi ko mapangalanan.
'Ganyan ba ang outfit mo kapag wala kang trabaho? Ang vibrant mong tignan ngayon, J. You look more like an angel on that white dress. Mas lalo kang gumanda sa suot mo now.' he said it with sincerity in his voice. Pinilit kong huwag maapektuhan dahil common na sa katulad ni Cale ang mga mabubulaklak na salita sa mga babae.
'O eh ano naman ang paki mo?! At bakit ka nandito?! As I remember it well, pinag-off mo ako today! Bakit ka nandito ngayon?!'
'Hindi mo ba ako papapasukin sa loob? I need water.'
'Sandali.' mabilis kong sinara ang pinto at kumuha ng bottled water sa ref ko. Pagbukas ko ulit ng pinto ay nakadantay siya sa may dingding near the door at naka-cross arms. 'O tubig!'
'Thank you!' uminom na siya then pinahid pa ang bibig sa likod ng kamay niya. It this how you treat your visitor? Hindi mo man lang ako patuluyin sa unit mo.'
'Una sa lahat ay hindi kita visitor kaya hindi kita patutuluyin, second is... May date ako ngayon kaya ganito ang suot ko. Umalis ka na nga! Dapat hindi kita makikita ngayon dahil off ko kaso nandito ka pa!'
'You are so rude, J. Alam mo ba yun? How could you do this to me? I am your boss tapos ganito ang treatment mo sa'kin. Nakaka-hurt ka ng feelings, J.'
'Huwag mo na akong artehan, pwede ba?! Umalis ka na!'
'Sino ba ang ka-date mo't tinataboy mo ako?! Siguro panget ang ka-date mo that's why ayaw mong makita ko dahil aasarin kita! Tama ako ano?!'
'Panget? Mas mukha pa ngang tao sa'yo yun at di hamak na mas ugaling tao pa sa'yo! Para sa kaalaman mo, boyfriend ko lang naman ang ka-date ko ngayon!' nag-cross arms narin ako at nagtaas ng kilay.
'Boyfriend? So talagang may boyfriend ka ha? Akala ko excuse mo lang yun para may madahilan sa'kin.' he grin again na kinainis ko.
'Gago! Anong akala mo sa'kin, ilusyonada?!'
'Yes, she'll be dating her boyfriend and that is me.' sabay kaming napatingin ni Cale sa harap namin. Lumapad ang ngiti ko when I see B standing infront of us. Naka-simpleng white polo siya na pinart-neran ng itim na maong pants and black sneakers. Simple lang pero gwapong-gwapo ako sa kanya, he looks like the younger and taller version of Papa P na manly ang dating at pamatay ang smile. Bagay talaga sa kanya ang naka-white dahil sa kayumanggi siya, he look so ruggedly handsome. 'Hi, J. Ready?'
'Wait, I'll just get my bag inside.' tumalikod ako at mabilis na kinuha ang purse ko na nakapatong sa dining table. Pagbalik ko ay nagsusukatan ng tingin ang dalawa. 'Ahm... B, siya nga pala ang bagong assignment kong si Charles Adam Legarda Echanove. Cale, he's B na kasamahan ko rin sa BRICA.'
'And also her boyfriend. Brian, pare.' B extended his hand to Cale, still seizing each other.
'Charles Adam, pare. Owner ng LED Inc.' nakipag-kamay rin naman siya kay B but he's still eyeing B.
Parahas sila ng taas, 6'2". Both na babad sa gym ang pangangatawan at parehas rin na dark ash gray ang mga mata. Gatas nga lang si Cale at tsokolate naman si B. But I prefer chocolate than milk.
'We better get going, B. Hinihintay tayo sa BRICA, they knew we are coming. I'll just see you tomorrow Cale, sa duty ko. Mauna na kami ni B.' hindi ko gusto ang tinginan ng dalawa, baka magpang-abot pa sila eh makasapak pa ako ng dalawang higante na parehas mainitin ang ulo ng wala sa oras.
'Una na kami, pare. We'll be having our lunch date pa ni J. See you around.' sabi pa ni B sa nakatingin parin sa kanyang si Cale.
'Paalis narin naman ako, I just drop because nasa vicinity narin lang ako. Sabay-sabay na tayong bumaba.' nauna na siya papunta sa elevator and press down.
Biglang sumikip ang dating maluwag na 20 persons capacity na elevator, althpugh we are just 3 now na nakasakay sa loob. Tahimik lang kami sa loob while waiting for the elevator door to open. Nasa gitna nila ako, mahirap na. Pagbukas ng pinto ng elevator ay hinila ko na si B sa braso niya dahil nagtitigan pa ang dalawa. Mga pasaway talaga!
'Tara na, B. Baka may lakad parin si Cale, he's a busy person rin kasi.'
'Before I forget.' sabi pa ni Cale kaya napahinto kami sa paglakad ni B at napatingin ulit ako sa likod ko. 'Agahan mo ang dating bukas. Nagpapasama si Mama sa church kaya we need to go pa sa mansion. Wear something decent also, not some stupid dress na kapag tumuwad ka ay kita na ang kung anuman na nakatago sa'yo.' tuloy na sabi pa ni Cale.
'Teka pare! Ibig bang sabihin ay hindi disente ang suot ngayon ni J?!' pinigilan ko ang braso ni B, trying hard to control him.
'Nasa interpretation mo na yun, pare! Wala akong tinukoy na yang suot niya ngayon ang tinutukoy kong kapag tumuwad siya ay kita na ang nakatago! May mali ba sa sinabi ko, pare?!' matapang rin na sagot si Cale kay B na tila naghahamon.
'Iba kasi ang tabas ng dila mo, pare! Nagseselos ka ba na kasama ko ngayon si J?!' lumapit ng konti si B kaya napalapit rin ako ng konti.
'Jealous?! Me?! The f**k, pare! Ang dami kong babae para magselos sa isa! Ang daming naghihintay na pansinin ko para magselos ako sa'yo, pare! Saka, ni hindi nga ako tigasan jan kay J, selos pa kaya?!' ngumisi pa siya ng nakakaloko na lalong nagpainit sa ulo ni B at sa ulo ko narin.
In great speed ay nakita ko na lang na magkaharap na ang dalawa, both holding each others upper shirt at parehas na nanlilisik ang mga mata nila. Parang abo na nagbabaga ang mga mata nila.
'Gago ka!! Ang bastos rin ng bunganga mong hayop ka!! Huwag mong bastusin si J!!'
'Bastos talaga ako, pare!! Alam na ni J about jan!! Ikaw itong pikon! Porket makaka-date mo siya, feeling mo pag-aari mo na siya!! Magkano ka ba??! Bibilin kita! Kailangan ko ng alagang aso sa condo na matapang, ikaw na lang ang kukunin ko!' natatawa pa na asar ni Cale.
Mabilis akong naglakad habang dinukot ko ang all-black 9mm Smith and Wesson revolver ko sa shoulder bag at ang black and gray Smith and Wesson kong Beretta 40 handgun sa hita ko. Sabay ko itong kinasa sa magkabilang tagiliran ko.
'TITIGIL BA KAYO OR I'LL SHOOT THE BOTH OF YOU WITH THIS PARA TUMIGIL KAYO?!!' tinutok ko ang dalawang hawak ko sa tig-isang sentido nila. 'DON'T THINK I WON'T PULL THIS TRIGGER! SUBUKAN NIYO AKO!!' saka lang sila kumalas sa isa't-isa at lumayo na si B. 'Kung balak niyong magpataasan ng ihi, HUWAG DITO!! BAGO PA LANG AKO DITO AT AYOKONG MAPAALIS!!! LUMABAS KA NA B! Wait for me inside your car!!' sinunod niya ang sinabi ko without looking again at Cale. Nang kami na lang ni Cale ay tinabi ko na ang mga baril ko after locking it. Yung isa sa shoulder bag ko at ang isa sa loob ng skirt ko. 'Dito ka tumingin sa mukha ko, gago!! Kaya ka napapaaway dahil ang landi-landi mo!' aba eh nakatingin ba naman sa hita ko ang gago.
'He started it! Dumaan lang naman ako para sabihin na agahan mo bukas tapos aakusahan niya akong nagseselos ako sa kanya!'
'Bakit hindi mo na lang ako tinawagan or sana nag-text ka na lang sa'kin!'
'Nagbago ako ng sim and nakalimutan kong i-save sa phone ko ang mga number mo, that's why!'
'Umuwi ka na! Please lang! Spare me kahit ngayon lang, I want to relax a bit!'
'Kasama siya!'
'And what's wrong with that?! Unless you are really jealous at him dahil magkasama kami, then you really have a problem!!'
'Hindi ako nagseselos, J! Hindi nga ako...'
'Oo na! Nasabi mo na kanina! Ni hindi ka nga tigasan sa'kin, magselos pa kaya!! You've made your f*****g point and you've said what you f*****g need to say, now leave!' mabilis akong naglakad palayo sa kanya at palabas ng building. Honestly speaking, nasaktan ako sa sinabi niya kanina. The hell diba? Ano ako matanda na hindi siya titigasan?! Sabagay ano pang ie-expect ko kay Cale, bastos siya kaya pati bibig niya ay bastos rin. He's an asshole and a man-w***e, what do I expect? Nagpunta na ako sa designated parking space ni B, he's at the driver seat pero lumabas pa siya when he saw me. Pinagbuksan niya ako ng pinto nang makalapit na ako sa sasakyan niya.
'I'm sorry sa nangyari, J. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko dahil bastos ang bibig niya.'
'Wala yun. No harm done naman so don't worry. Tara na, they are waiting for us.'
Cale
When J opened her door sa unit niya ay nagulat talaga ako sa itsura niya. I never thought that's she wore dresses like that. Ang ganda niya lalo sa suot siya, refreshing and vibrant. Ang kinis ng legs niya at ang haba kaso nasira ang good mood ko when she said na may date siya kaya siya nakasuot ng ganon. Tapos nakita ko pa ang Brian na yun, di hamak naman na mas gwapo ako dun saka kita naman sa kutis kung sino ang mas lamang. Lakas rin ng loob na sabihin na siya ang boyfriend ni J eh halata naman na napilitan lang si J na sagutin siya at mas bagay kami ni J. What the f**k was that, Cale!
Pero kanina talaga ay nasaktan ako ng pagtabuyan ako ni J. No woman have done what she did to me. Nakakabasag ng itlog ang mga sinabi niya kaya gumanti lang ako. Sinabi kong hindi ako tinitigasan sa kanya pero hindi naman dapat yun ang sasabihin ko, yun lang ang lumabas sa bibig ko but that's not what I meant. Sobra kasing naapakan ang ego ko at hindi ako sanay ng ginaganon ng babae. I'm used to women begging for my attention tapos siya tinataboy ako? Alam kong fowl ang sinabi ko kaya natural lang na magalit si Brian sa akin dahil pinagsalitaan ko ng ganon ang girlfriend niya pero nasaktan rin naman ako! But the most that I won't forget was when magkaharap kami ni Brian kanina. Imagine! She pointed a loaded gun sa ulo namin! Seryoso siya and she didin't blink kaya I knew na gagawin niya ang banta niya sa'min if we won't stop ni Brian. Si Brian nga na matapang sa'kin eh sunod-sunuran pala yun kay J. She's really something! Hindi siya isang ordinary lady na kayang suhulan, pasunurin, uto-uto at utusan. Mas lalo tuloy akong na-curious to her. She is different sa mga babaeng nakikilala at nakakasama ko so I got curious talaga. Iba siya, she's extraordinary. Ano kaya ang past niya for her to be that fearless and tough? Ano kayang nangyari sa past niya for her to have that fierce attitude na kahit isang lalaking agent ay tumitiklop sa isang sabi pa lang niya? I need to know, I want to know her past.
Mabilis akong sumakay sa midnight black kong Aston Martin one 77 pagkaalis ng Audi R8 ni Brian. Agad akong tumuloy sa mansion, I need to talk to Mama. Pagdating ko sa mansion ay pumasok agad ako sa loob at tinanong si Mama sa nadaanan kong maid. Pagkasabi nitong where I can find my mom ay dali-dali akong umakyat sa grand staircase.
'Ma!'
'Cale, bakit?' halatang nagulat ko siya.
'I need details about my bodyguard, Ma. Personal details about her, kasama na ang eduational background niya and about her past.'
'Why?'
Bakit nga ba gusto kong malaman? Bakit all of a sudden I became interested about her life? All I want is to know her, know her past para masabi ko kung saan nanggagaling ang tapang at lakas ng loob na meron siya ngayon.
'Lahat ng nagtatrabaho sa'kin, alam ko ang background Ma. All the details that I need to know about my employees ay alam ko. Only she ang hindi. Ikaw ang nakipag-usap sa superior niya, did she passed a resumé or biodata man lang Ma?'
'Okay, tatawagan ko si Rosemarie to ask about that.'
'Call her now, Ma.' I write my email address sa paper na nasa harap ni Mama and give it to her. 'Tell her to send me all of J's details, sa my email add ko. Tell her that I want to know and it's important na mabasa ko. Where she studied, her family, where she lived before, everything.'
'Sit down, Cale! Nahihilo ako sa'yo sa kakalakad mo! Have a seat, please!'
I did what my mom told me. I am feeling a mix emotions. Excited na kinakabahan na eager na tense. I need to know who J is, pinukaw niya ang curiosity ko which happened to me ngayon lang. Siya lang ang nakagawa nito sa akin, only her alone. If I have to stalk you J or pa-investigate kita ay gagawin ko so I'll know your past and what happened to you noon. Naghintay ako patiently while Mama talk over the phone then ng matapos na siyang makipag-usap ay tumayo na ako and gat her side.
'What's her response, Ma?'
'She said that she'll send it to you. Mga details that she have about J.'
'Yes! Yes! You're really the best, Ma!! Thank you! I love you so much, Ma!'
'Since nandito ka narin, have lunch with me. Ngayon ka na lang ulit makakapag-lunch here son. Have lunch with me.'
'Sige, Ma. I'll just take a bath sa room ko, I'll see you at the dining table na lang.' humalik pa ako sa cheek ni Mama.
'Ipapatawag na lang kita kapag kakain na tayo. Your room is clean, Cale.' lumabas na ako ng library at nagpunta na sa old room ko.
Sooner or later I'll know the reason behind your fierceness, J. Malalaman ko rin ang background mo, J. And when I do, I will start entertaining this growing feeling that I am slowly having for you. Hindi na kita pakakawalan pa at hindi kita hahayaan na umalis pa sa piling ko.
--------'-,--'-,-{@