Chapter 7

4275 Words
MARIAS OF MY LIFE Maria Jewel Aguinaldo THE BODYGUARD written by: Blackrose Chapter 7 Pagdating namin sa BRICA ay agad kaming pinapunta sa office ni Big Boss, may kausap daw ito ngayon at hinihintay kami. Pagpasok namin sa loob ng office ay may dalawang taong sa estimate ko ay mag-asawa na nasa harapan ni Big Boss. 'Finally, you're both here! Have a seat, please.' umupo kami sa harap ng mag-asawa. I would like to introduce to you both Mr. Miko Montenegro and his wife Mrs. Jane Katherine Agustin Montenegro. They're here to ask our agency's help, you can tell them personally Miko.' 'We went here to ask for your agency's help dahil sa napabalita na mga achievments ng BRICA and also how good their agents are. May grupong nagbabanta sa safety ng family ko so I want to secure my wife and my kids. Gusto ko rin malaman who is doing this to us dahil we are still clueless as of the moment.' 'My husband and I are willing to pay for whatever the cost may be. We wanted na magkaroon ng mga bodyguards ang mga bata plus sa amin narin at sa bahay. We want the best to take care of our children dahil mas sila ang purtirya ng mga yun.' segunda pa ni Mrs. Montenegro. 'We are willing to help you with that, Miko and Katherine. I can assign our Rank 2 to 10 to assist and protect you from harm.' sagor rin ni Big Boss. 'How about your Rank 1, Ms. Rosemarie? Hindi ba pwedeng isama rin natin siya para mas masiguradong mapo-protektahan ang family ko?' sagot ulit ni Mr. Montenegro. 'Our Rank 1 is currently on an assignment also, Miko.' 'Can we meet him? Kahit na may assignment siya, baka we can persuade him to work with us instead. We can double the payment basta pumayag lang siya.' sagot narin ni Mrs. Montenegro. Tumingin sa'kin si Big Boss kaya napatingin rin ang mag-asawa sa akin. 'I am not a he, Mr. and Mrs. Montenegro. J Aguinaldo po, Rank 1 agent of Black Rose International Contract Agency.' nilahad ko ang kamay ko sa mag-asawang tila nagulat at namangha sa sinabi ko. 'Ikaw si J?! Ang nag-handle sa case ni Senator Romualdo De Guzman even the richest businessman in Japan na si Akijito Fuhito at ang famous Mayor of Texas na si David McHill?!' si Mr. Montenegro ang bumasag sa katahimikan ng paligid. 'Pleasure of meeting you both po, ako nga po si J.' 'Then help us, please. Magkano man ang singilin mo sa'min, we are more than willing to pay. Just keep my family safe.' pakiusap ni Mrs. Montenegro. 'Ang mga kasamahan ko po dito sa BRICA ay halos kasing galing ko rin po, Mr. and Mrs. Montenegro. Nasa isang assignment po kasi ako ngayon at magkatulad rin po ng kaso niyo ngayon ay may gusto rin pong pumatay sa client ko. I don't abandon any assignmemnts of mine since Day 1 ko dito as an agent and a bodyguard. I can guarantee naman po sa inyo that the ranking agents next to me are also good and skilled. They can and will protect you and your family.' 'Pero mas makakampante ako sana kung kasama ka sa kanila, J.' hirit pa ni Mr. Montenegro. 'Ganito na lang po, kung may hindi sila nagawa na trabaho on which I highly doubt po ay aalis po ako sa current assignment ko and pass it to other agent tapos I'll work po sa inyo instead.' 'Sige, we'll hold on to your word J.' 'Makakasigurado po kayo, Mr. and Mrs. Montenegro. I walk the talk at ginagawa ko po ang salitang binitawan ko.' ngumiti ako sa mag-asawa. 'Okay then. We want to meet the agents who'll be assigned to us.' seryosong pagkakasabi ni Mrs. Montenegro. 'Kindly call the others, J. Sa conference room tayo magkita-kita.' utos ni Big Boss. 'Sasamahan ko na siya, Big Boss.' nang tumango si Big Boss ay sabay na kaming lumabas ni B sa office. Naglakad kami papunta sa elevator. 'Mukhang mapupurnada pa ang lunch date natin, J. Duty calls.' napakamot pa siya sa batok niya. 'Ganyan talaga, duty first before anything else. We're here to serve and protect, diba nga.' 'Hindi naman siguro aabutin ng apat na oras ang meeting with them. Can you wait for me? Mag-early dinner a lang tayo at manood ng movie. Ayos lang ba sa'yo?' 'Pag-iisipan ko.' pinigilan ko ang sarili kong huwag matawa dahil kumunot ang noo niya which I find it cute. 'J naman eh. Katulad ba ito noong isang linggo that I have to kneel and beg you? Please, say yes. Hintayin mo ako, sa conference ka narin maghintay para may kasama ka.' paluhod na sana siya ng biglang bumukas ang elevator at maraming tao ang nag-aabang na makapasok sa loob. Hinila ko ang braso niya at lumabas na kami sa elevator. 'Ano, J? Hihintayin mo ba ako or I still need to beg you and kneel infront of you for you to wait for me?!' napatingin ako sa paligid namin and just as I suspected, may mga ibang agents na nakatingin sa amin. 'Takte ka!! Ang ingay mo! Oo na! Oo na hihintayin na po kita! Now shut the f**k up!!' 'Haha! Yes!! Hintayin mo ako ha, J?' 'Takte ka!! Kapag hindi ka tumigil sa pagka-childish mo B, babatukan kita ng malakas na makakalimutan mo ang pangalan mo sa harap ng maraming tao!' 'LQ?' napatingin ako sa nagsalita na nasa kanan ko at nakita ko dun si T na nakatingin sa amin ni B. 'LQ? LQ-hin mo ang mukha mo, T! Umakyat ka daw sa conference room sabi ni Big Boss! Yari ka! Ano na naman ang nagawa mong kabalastugan, T? Galit na gaoit kasi si Big Boss at agad kang pinatawag sa'min! Dalian mo! Mainit ang ulo ni Big Boss ngayon at gusto kang makausap!' nilagpasan ko siya at ganon rin ang ginawa ni B. Sa pantry namin nakita ang pito pang pinapatawag ni Big Boss. Mabilis akong lumapit sa kanila na nagtatawanan habang nagkukwentuhan. Pumamewang ako sa harapan nila. 'Ehem!' 'J! B! Kain muna kayo!' alok sa'min ni Y na Rank 4 sa pinaka-magaling na agent sa buong BRICA. 'Pinapatawag kayong pito ni Big Boss!' 'May nagawa ba kayong kalokohan? Galit na galit si Big Boss at gusto kayong makausap na pito! Yari kayo, nagmumura pa siya kaya nga mabilis kaming lumabas ni J sa office niya! Nagbabaga ang mga mata ni Big Boss! Sa conference room daw niya kayo hihintaying pito! Ang alam ko'y papunta na siya dun, dalian niyo!' segunda pa ni B na ginaya rin ang trip ko. 'Ano?!' sigaw ni L, ang Rank 5 agent namin. 's**t na malagkit! May nagawa ba kayo at nadamay lang ako?!' sabi pa ni P na Rank 9 sa BRICA agents. 'Tara! Tara! Run!!' utos ni K sa anim. Paglabas nilang pito ay humagalpak kami ng tawa ni B. Ang sarap talagang mang-trip sa mga yun lalo na kung gagamitin mo ang pangalan ni Big Boss. Kumakaripas sa takot ang mga tumbong. Tawa parin kami ng tawa habang paakyat kami papunta sa conference room matapos namin daanan ang laptop ko sa desk ko. Pagpasok namin sa loob ng conference ay ang sasama ng mga tingin sa'min ng walo. Hindi ko napigilan na mapahalakhak na ikinatingin naman nila Big Boss at ng mag-asawa. Sabay kaming umupo ni B, sa may dulong bahagi ng table na malapit na sa pinto. 'Since everybody's here, I'd like you all to meet your new assignment. Agents, this is Mr. Miko Montenegro and his wife Mrs. Jane Katherine Agustin Montenegro. I'll introduce you all to them one by one, when I call your pass code do stand up.' tumingin muna ako sa mga kasamahan ko, they all put their game faces on at nagseryoso na. 'Nakakatawa sila ano? Sarap pag-tripan.' bulong ko kay B na ngumiti rin sa akin. 'B!' tumayo ang katabi ko at tumango. 'This is B or Brian Oliveros, Rank 2 agent of BRICA and our all-around specialist. He do well with guns, knives, martial arts, street fighting, machinery and other. The Jack of all traits next to J. K!' umupo na si B habang tumayo naman si K. 'Siya naman si K or Knight Montefalco, our Rank 3 sa lahat ng agents here in the agency plus the sniper of the group. Y!' tumayo rin si Y. 'He is Y, our 4th ranking agent and his full name is Yancy Ledesma. Siya rin ang bomb expert ng group and anything to do with computers. Our Rank 5 naman ay si L, L!' magalang na tumayo si L at yumuko pa sa mag-asawa. 'He's Leo Cruz, Rank 6 agent and the close-range combat expert. T!' tumayo narin si T kasabay ng pag-upo naman ni L. 'This young man here is T or Timoteo Salvacion, BRICA's Rank 7 agent. He's a sniper, a sharpshooter and also a bomb expert. N!' nag-pause sandali si Big Boss at nang nakatayo na si N ay saka siya nagpatuloy sa pagsasalita. 'Siya si N or Neo Cuevas na Rank 8 sa Top 10 ng Best Agents of BRICA. Siya ang expert sa hacking, tracking and locating the enemy. Next is P, who stands ny the name Panter McLerry na Rank 9 namin dito at ang ninja assassin ng group. And last but not the least, BRICA's Rank 10. Ang small but terrible ng grupo, he is Xavier Halili or mas kilala dito as X. Agents. His expertise are guns.' 'How about J? What is her expertise? I just want to know.' hirit na tanong ni Mrs. Montenegro. 'J on the other hand is a mix martial art specialist, kick boxing, taekwondo, street fighting. She excels in gun, knives, kunais, daggers and sword. Sharpshooter and sniper with a 20/20 vision, runs fast like a speeding train and isn't afraid of heights. A bomb expert, security and computer hacker and chemical specialist. She Ranks 1 sa lahat ng spies here in the Philippines and Rank 2 all over Asia. Kasama sa expertise niya ang kanyang beauty and sexy figure, yan ang lamang niya sa 9 ranking agents next to her.' bidang puri sa'kin ni Big Boss. 'Now I see why you are so in demand, J. Sayang.' sagot pa ni Mrs. Montenegro. 'She is. Now I want you all agents to hear them out, know their concerns and what their requests. Aasahan nilang magagawa niyo ng maayos ang trabaho niyo, agents. Dahil kapag hindi niyo nagawa ng ayos ang assignments niyo, si J ang papalapit sa inyo and she will have her own team of 9 with the other agents dito sa BRICA. Lahat kayo ay ipu-pull out ko sa assignment na ito and will just have to wait for the next assignment. So I expect that you'll do your all to finish this assignment, agents.' tumingin silang walo sa akin. They knew the quality of my work, alam nila na kahit hindi ranking agents ang makakasama ko ay matatapos namin sa takdang oras ang assignment na ito if they will fail. Habang nag-uusap silang lahat, ako naman ay nasa harap ng laptop ko na kinuha ko kanina sa ibaba. Checking for loopholes sa company ni Cale. Naka-private kasi ang apat na kasama ni Cale sa Country Club sa social media, nandun ay mga basic infos lang nila. So I am thinking of a way to sneak through their houses without them noticing me. Alam ko na kasi kung saan sila nakatira, tinanong ko kay Josephine Ruiz na secretary ni Cale. Sinabihan kasi siya ni Cale na ibigay at sabihin ang lahat ng itatanong ko at lahat ng kakailanganin ko. That's why humingi ako ng copy ng lahat ng BODs, their names pati address and their other businesses. I am so busy jotting down ng mga other possible infos na lumapit sa'kin si B and sat beside me. 'Let's go?' 'Tapos na kayo? What time is it?' '2pm. Hindi ka pa nagla-lunch, J. Tara, punta na tayo sa Mall para makakain na tayo beforw we watch a movie.' nilagay ko na sa plastic envelop ko ang mga papers at pen ko na binigay pa sa'kin ni Cale. I left my laptop muna sa loob ng desk ko then umalis na kami ni B. Kinuwento niya sa'kin ang napag-usapan nila ng ibang kasamahan namin pati ng mag-asawang Montenegro. 'Kailangan ko ng sulitin ang mga oras ko kasama ka, J. Magtagal na ulit before kita makita at makasama. Ang layo kasi ng place ng mag-asawa, sa Laguna pa sila and it's very impossible na magbalikan ako every now and then para makasama ka.' 'That's alright. Trabaho yan kaya dapat yan ang unahin natin, and besides I'll be busy narin next week sa assignment ko. Next week ko gagawin ang pag-intrude sa mga bahay ng mga suspects ko.' 'Basta, mag-iingat ka palagi. Stay away from that guy na assignment mo, he's not good for you. I know dahil lalaki rin ako and alam ko rin na puro lust lang ang mga kagaya niya. Baka mapaano ka sa kanya, I'll kill him J.' 'You knew well that I can take good care of myself, kaya huwag ka ng mag-alala. I will take care.' I smile at him. 'Ayokong lang na mapahamak ka, J. Mahalaga ka sa'kin. As much as I wanted to look after you, I can't. So better take care of yourself.' pinatong niya ang kamay sa kamay kong nasa may tuhod ko. Eto na naman yung abnormal beating of my heart everytime our flesh touch. 'Kaya ko ang sarili ko, B. Wala kang dapat na ika-worry, I will be fine. Ikaw ang mag-iingat dun dahil may pagka-clumsy ka pa naman.' 'Hahahaha!! Let's enjoy this day, I will miss being this close to you and I will miss you J.' mamimiss rin kita, B. Pagkarating namin sa Glorietta 4 ay kumain na muna kami ng aming late lunch then we watch an action movie. Hindi kami magka-cuddle but we are close to each other sa seats namin. Nag-gala kami after watching a movie, nagtingin-tingin muna kami sa mga stalls hanggang sa pumasok kami sa Silver Works. Alam kong mahilig siya sa mga silver jewelries dahil mahilig rin ako sa silver. I prefer silver than gold at ganon rin si B. Tumingin siya sa isang estante ng mga bracelets kaya lumapit rin ako sa kanya. 'Sa tingin mo ba ay maganda itong bracelet na may charms, J?' 'Maganda.' 'Do you think magugustuhan ito ng liligawan ko? Sasagutin niya kaya ako kapag binigay ko sa kanya ito?' may nililigawan na pala siya? Sino kaya ang mapalad na babaeng liligawan niya? May kirot sa puso ko at alam kong nasasaktan ang puso ko now. 'Maganda naman yan, for sure she'll love it saka sasagutin ka na niya.' I fake a smile but deep inside my heart is aching. 'Miss, kukunin ko na ito.' sabi niya sa saleslady. '2,175 pesos po Sir. Para po ba kay Mam?' tumingin sa akin ang saleslady. 'Ah hindi, Miss. Para sa liligawan niya yan.' 'Eto yung bayad, Miss.' nakangiti siyang tumingin sa'kin. 'Sana sagutin niya ako mamaya bago pa ako makaalis going Laguna sa next day.' 'Taga BRICA ba ang liligawan mo?' walang pag-aalinlangan siyang tumango sa akin. Taga BRICA? Sino bang malapit sa kanya dun aside sa akin? Si S at si A? Sila ang alam kong malapit kay B, siguro nga isa sa kanila. 'Thank you, Miss. Tara J, punta tayo sa flowershop naman.' Nagpunta nga kami sa flowershop na located sa ground floor ng Mall. Pagpasok namin sa flowershop ay sinabihan niya ako na ako na ang mamili ng mga kulay ng roses na maganda sa tingin ko. Kumuha ako ng mga red roses, white at pink roses pati mga green leaves. Nang ma-satisfy ako sa mga hawak kong roses ay pina-arrange ko na ang mga roses sa staff. 'Miss, yung white na wrapper na yun ang ibalot mo jan, tapos red and pink ribbon ang ipangtali mo.' I love red, pink and white roses kasi. Ganitong-ganito ang mga binibigay sa'kin dati ni D, I look sa taas and I smile. Alam kong palagi siyang nakabantay sa'kin, I know that he is always with me. Pinangako niya sa'kin noon that whatever happens to him, hindi niya ako iiwanan at palagi ko siyang kasama sa kung saan man ako nandun. Miss na miss na kita, D. Palagi kang nasa puso ko, forever. 'Wow! Ang ganda naman niyan, J! Magaling ka rin talaga sa mga flowers aside sa baril at knives. I bet she'll love the flowers as well, ang pinaka-close ko kayang agent na pumili niyan!' nagbayad na siya sa staff ng flowershop then we left. 'Samahan mo ako sa lugar where I planned to have dinner with her, J. Ayos lang ba? Nahihiya kasi ako.' 'Ang laki-laki mong tao, natotorpe ka pa?! Sige, sige. Sasamahan na kita para makita ko rin siya. Saan ba kayo magdi-dinner?' 'Sa The Strand, diyan lang sa may Salcedo Street.' Salcedo pa talaga? Eh dun ang condo ni Cale eh. 'Anong oras ang usapan niyo?' '7 in the evening. Sumama ka narin sa'min mag-dinner para makilatis mo siyang maigi, J. Magaling ka sa ganyan eh.' By 5:45pm ay on the way na kami papunta sa The Strand. Maganda ang facade ng restaurant, mukhang mamahalin ang lugar. Pagpasok namin sa loob ay puno ng mga unlit candlelight ang paligid, in-assist kami ng isang staff at pinaupo sa pinaka-gitna ng dining area nila. There are also petals of red and white roses sa sahig even sa mga tables. Pansin kong walang ibang tao sa restaurant but us ni B at ng mga staffs. Malamang pina-reserve ni B ang buong lugar. Ang sweet talaga niya kahit kailan. Plano kong magpaalam na lang mamaya kapag dumating na ang date ni B, magdadahilan na lang ako na nag-text sa'kin si Cale at pinapapunta ako sa condo niya. Ganon na lang ang ia-alibi ko kasi ang plastic na ng ngiti ko at masakit na sa dibdib talaga. The man I thought na mahal rin ako ay may iba palang gusto at ang masaklap ay hind ako yun. Ang swerte ng babae yun, kung sino man siya dahil ang lahat ng qualities ng isang perfect boyfriend ay nasa katangian na ni B. Naalala ko tuloy the day na nagtapat sa'kin si Dave. *FLASHBACK* Niyaya niya ako sa isang beach resort, outing daw namin ng mga taga BRICA. Kasama niya pa ang ibang mga kasamahan namin sa pag-convince sa'kin to join them. And since wala naman gawa ay sumama narin ako sa 3 days summer outing nila. Pero pagdating namin ay wala akong nakitang ibang tao dun kundi kami lang. Yun pala ay kami lang talaga ang nandun. And there are red, white and pink rose petals sa buhangin na dinadaanan namin, dun palang ay napaluha na ako dahil he always likes to surprise me mula pa noon na nakilala ko siya at alam kong may surprise na naman siya sa'kin. Nang makalapit kami sa dalawang sulo ay may banner dun na puti at nakatali sa magkabilang sulo. The writing says: Will You Be My Girlfriend, Jewel? Napaiyak ako sa surprise niya sa'kin, lumuhod pa siya sa harapan ko with teary eyes at tinaas ang isang maliit na kahon na may singsing na silver sa loob. Bukod kay Big Boss ay si D lang ang nakakaalam ng totoo kong pangalan at pagkatao, kaya kapag kami lang ay Jewel ang tawag niya sa'kin. Nang tumango ako ay agad siyang tumayo ang hugs me tight tapos ay sinuot niya ang singsing sa daliri ko. 'This is a promise ring, Jewel. And I promise that whatever happens to me in the near future, I will always be with you no matter where you go and no matter where you will be. Mahal na mahal kita, Jewel. I will give you my life for you until my last breath, J. Thank you for accepting my love.' 'I love you too, Dave.' *END OF FLASHBACK* D always made feel so special, tanging siya noon ang nagparamdam sa'kin na babae parin pala ako kahit na pang-lalaki ang trabaho ko. Parang si B ngayon pero siguro ay mali lang ako ng interpretation sa mga pinapakita sa'kin ni B. May iba pala siyang gusto at mamayang konti lang ay magtatapat na siya sa maswerteng babaeng yun. Ramdam kong parang maiiyak ako kaya dali-dali akong tumayo at nagpaalam na pupunta lang ako sa Ladies' Room. Pagbukas ko sa pinto ng CR ay tumulo na ang masaganang luha sa aking mga mata. I pity myself dahil hindi ako katulad ng ibang babae na maraming nanliligaw sa kanila, sa'kin kasi ay aloof ang mga lalaki and they see me as superior to them kaya iilan lang ang naglakas loob na manligaw sa'kin. Akala ko pati si B na ang para sa akin, after a long time na hindi ako nagka-relationship after D. I thought we shared the same mutual feelings for each other na ang kahihinatnan nun ay magiging kami rin sa huli. But I guess, masama talagang umasa sa mga bagay na wala pang kasiguraduhan dahil ang ending lang nun ay masasaktan ka, kagaya ko na lang ngayon. Yung mga I love yous pala ni B, mga dates namin at ang sweetness niya ay bilang kaibigan lang pala. Nagkamali ako at nasaktan pa because I've assumed. 'Get a grip, J! Kung para sa'yo talaga si B, magiging kayo kahit pa abutin ng isang dekada pa. But if he's not for you, hindi siya ang makakasama mo kahit pa ipilit mo! So get a grip, J!! Umayos ka dahil ang tingin nila sa'yo ay astigin ka at hindi ka umiiyak! Shape up!' Pinunasan ko ang mga mata ko at naglagay ulit ako ng powder then nagsuklay. Ngumiti ako sa reflection ko sa salamin at lumabas na ako. Pagdating ko sa dining area ay naka-dim na ang mga ilaw then nakasindi na ang mga candles sa paligid. I thought nandun na ang date ni B pero pagkakita ko sa kanya ay mag-isa parin siya sa table, i look at my watch, 6:15 na pala yet no sign of his date anywhere. Umupo na ako sa pwesto ko kanina, kaharap siya then look at him. Hindi mo mababakasan ng pagkainip or pag-aalala ang mukha niya, he's even smiling at me. 'Wala pa ba ang kausap mo? Baka na-traffic lang siguro siya.' nalungkot ako for him, kung ako sana ang nasa kalagayan ng babaeng yun ay hindi ko paghihintayin si B. 'Ayos lang naman. Nandito ka naman kaya I'm fine.' nalito ako sa sinabi niya at mas nalito ako when he reach sa side ko ang bouquet na ako mismo ang pumili. Ngumiti pa ulit siya sa'kin when I stare at him dumbfounded. 'Ano ito, B?' 'It's been a while since I've been watching you from afar, J. Nakuntento lang ako na nakatingin sa'yo mula sa malayo, being happy when you are happy and being sobber when you are sad. I've tried my very best para mapantayan ko ang ginawa ni D sa'yo, but maybe hindi ko talaga siya mapapantayan ever. Kasi ikaw pa nga lang, hindi ko na mapantayan eh siya pa kaya? But I want to tell you that I am true to you na hindi kailanman ako magkunwari sa'yo, J. There are times na akala mo nagbibiro ako but most of the time I am real to you. Mahal kita, J. I've never love any woman nor I look at them the way I look at you and the way I love you.' tulala lang akong nakikinig sa kanya. 'Hindi ako nagbibiro this time, J. Hear me out, mahal na mahal kita mula ng kayo pa ni D before until now na kaharap kita and until the day I die. The time I arrived sa BRICA, crush na kita dahil you are so unique and different yet happy to be with and sweet. I love you for who you really are inside that hard shell that you're portraying to everybody, J. I love you for the J na malambing at masayahin and not the J na astig at palaging seryoso. I will give my life for you until my last breath, J.' that's the exact words na sinabi sa'kin ni Dave noon, naalala ko lang. Lumapit siya sa'kin and kneel infront of me, hinawakan niya rin ang isang kamay ko. 'Will you be my girlfriend, J? Payag ka bang maging boyfriend ako at maging tayo?' he is teary eyed now, naluha narin ulit ako dahil it shakes my heart seeing the man I love crying infront of me. Nang tumango ako dahil I'm speechless ay lumapad ang ngiti niya, kita ko ang saya sa mga abuhin niyang mga mata. Sinuot niya ang bracelet sa wrist ko na binili niya kanina sa Silver Works. 'Para sa'kin 'to?' I shake my hand at kumalansing ang mga charms. 'All for you, J. I love you so much.' tumayo na siya at tinayo niya rin ako. We are now face to face. 'I love you too, B. Sobra akong nagulat. Matagal ko ng hinintay na magtapat ka sa'kin, and thank you for making my wish come true.' nagyakap kami and it felt forever being around his arms. Masaya ako dahil siya ang pangalawang lalaking minahal ko, I know that D is also happy for me right now. Mamayang konti ay kumalas na siya sa yakapan namin with a smile on his face. 'Let's have our dinner now, future wife.' inalalayan niya akong makaupo sa upuan ko then kiss my hair before sitting at his chair that's adjacent to me. Napangiti ako sa tinawag niya sa'kin. Ang sarap sa pakiramdam na here we are now... Happy, in a relationship and in love with each other. ------'-,--'-,-{@
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD