PARA AKONG tinatakasan ng lakas habang pinapanood ang laban ni Beckett. Abot-abot din ang kabang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Nanlalamig ang mga kamay, tainga at batok ko at hindi rin ako mapakali at halos manginig ang sikmura ko sa sobrang tensyong lumulukod sa buo kong pagkatao. Naninikip ang dibdib ko at halos hindi ko magawang makapag-focus sa nangyayaring labanan sa harapan ko. Napapadiin ang pagkuyom ko sa kamao ko sa tuwing susuntukin si Beckett pero naiiwasan naman niya. Hindi ko maitatanggi na magagaling din ang mga katunggali niya kaya nahihirapan din si Beckett makipaglaban kahit magaling siya makipaglaban. Hindi ko maiwasang magdiwang nang mapabagsak ni Beckett ang ika-limangpung kalaban. "Why is he winning? Bring out the strongest man. That Velasquez shouldn't win!"

