HABANG isinasagawa ang mangyayaring gladiator fight ay pinagbawalan si Beckett ng ama ko na makita kami ng mga bata. Ang kondisyon, kapag nanalo si Beckett ay tatanggapin na niya si Beckett bilang asawa ko at kung hindi naman ay kailangan na hiwalayan ako ni Beckett at hindi na kami pwedeng magkita pa. Malalaki ang mga hakbang ko na tinungo ko ang opisina ng ama ko sa loob ng mansion. Gusto ko kasi siyang makausap para ipatigil ang gladiator fight. Walang paalam na basta ko na lang binuksan ang pinto at humakbang papasok. Nahinto ang pakikipag-usap nito sa isang lalaki. "Buongiorno, Signorina Rosa," bati niya sa akin. Naguguluhang tinitigan ko siya. Hindi ko siya kilala pero kilala niya ako? "It's good that you're here. I want to introduce you to Lord Lancelot. He's the son of Duke Lo

