"ROSA!" patakbong tumakbo si Beckett sa akin pagkarating niya sa bahay. Alam ko kung bakit Rosa ang tinawag niya sa akin dahil nandito ang kilala namin doctor ni Caio, na katatapos lang din gamutin ang sugat ko. Natigilan si Dr. Felix nang makita si Beckett. Alam kong kilala niya ang binata. Sinapo niya ang mukha ko. "Are you okay? s**t! Hindi ko talaga palalagpasin ang may gawa nito sa'yo!" sabi niya na para bang hindi siya sanay na makakita ng sugat o dugo. I rolled my eyes. "I'm fine, Beckett. You're overreacting. Tama lang 'to ng baril. Malayo sa bituka." Tinitigan niya ako na hindi makapaniwala na lumabas ang katagang iyon mula sa bibig ko. "You don't know how much I worried about you. Tapos sasabihin mo lang sa'kin na I'm overreacting at tama lang yan ng baril? Rosa, hindi 'to b

