Sa isang sikat na beach resort ang pinuntahan nina Aqua. Medyo matagal nang hindi nakalanghap ang dalaga sa simoy ng hangin na galing sa dagat. Hindi kasi sila nabigyan nang pagkakaon na pumunta sa dagat noong nasa probinsiya sila. More on bukid kasi sila ang sa kabundukan kaya hindi na sila nakapunta sa dagat. "Hayyy... lumuwag ang dibdib kahit papaano!" Bulalas ni Aqua nang langhapin nito ang simoy ng hanging dagat. Nakapikit pa nga ito wit open arms sabay ngiti. Kahit papaano ay nalimutan niya ang kanyang mga iniisip sa mga sandaling iyon. Walang suot na tsinelas ang dalaga at talagang nakayapak lamang ito sa may buhanginan. "Ang ganda dito ano?" kapagkuwan ay sumunod din pala si Shiela kay Aqua sa may pampang. Nakangiti namang nilingon ni Aqua si Shiela na mukhang na-miss din nito

