Sabado na ito na ang araw ng outing nina Aqua at Shiela. Gaya ng ipinangako niya sa kanyang kaibigan ay dadalo siya at sasama. Tutal nagpaalam na siya kay Hiro at pinayagan naman siya. Pero mamayang hapon pa naman iyon kaya may time pa siyang hihintayin si Hiro para makauwi ito. Baka ito na din ang maghahatid sa kanya kina Shiela gaya ng ipinangako ng binata sa kanya kagabi. "Gising ka na pala! Pinasasabi ni Kuya ako daw muna ang maghahatid sa'yo kina Shiela mamaya. Baka daw hindi siya makauwi at nag-seizure si Trixie kanina lang." Bungad ni Logan nang makita nito si Aqua sa dining table na kumakain. Bigla tuloy nawalan nang gana si Aqua halos hindi niya malunok ang pagkain na nasa loob ng kanyang bibig. Naisip niya bakit ba ang hilig ni Hiro na ipaalam sa iba ang sana ay puwede naman ni

