Break time ni Aqua nang tumunog ang kanyang selpon. Agad niya iyong tiningnan sa pag-aakala nitong si Hiro ang tumatawag. Subalit pagtingin niya ay si Shiela pala ang tumatawag sa kanya. "Bakit ka napatawag beshy?" agad na tanong ni Aqua sa kanyang kaibigan. "Ipapaalala ko lang sa'yo birthday ko na bukas parang nakalimutan mo na. Dati-rati advance ang greetings mo sa akin nagtatampo na ako sa'yo hindi mo na ako maalala." Himutok ni Shiela. Natawa naman si Aqua pero nagi-guilty din naman siya. Nitong mga nakaraang araw hindi niya kinokontak ang dalaga. Baka nga hindi pa nito alam na wala na siya sa De Dios Hospital. " Pasensya ka na beshy busy lang ang ferson," sagot ni Aqua. "Kaya dapat pumunta ka bukas ha? Gabi iyon may konting celebration at pa- surprise!" Turan naman ni Shiela. "S

