White dress na off shoulder ang suot ni Aqua sa gabing iyon at lampas tuhod. Hinayaan niya lang na nakalugay ang alon- alon na maitim at mahabang niyang buhok. Simple lang din ang kanyang make up na kahit sino ay magagawa iyon dahil sa sobrang kasimplehan. Tinernuhan din niya ng white high heeled sandals. Kaya todo hagod naman si Hiro kay Aqua nang makababa ito sa hagdan. "Ang ganda mo Aqua baka mamaya mas madami na ang mga suitor mo." Sabi ni Logan nang makita nito ang dalaga. Kimi namang ngumiti si Aqua. "Thank you pero lahat sila ekis sa akin," sagot nito. Napangiti naman si Hiro sa sinabi ng dalaga at least mapapanatag siya. "Ang swerte naman ng magiging boyfriend mo niyan Aqua!" Turan naman ni Adrian. "Totoo 'yan masuwerte talaga siya sa akin at sana lang hindi niya ako lolokohi

