Saktong eleven na dumating si Hiro para sunduin si Aqua. Kaya nagpalaam na din si Aqua kay Shiela at sa kanilang mga classmates. "Jowa mo ba 'yon? Ang suwerte mo naman kaya pala very behave ka. Sabagay kung ganyan din kaguwapo at kayaman ang boyfriend ko ay magpapakabait talaga ako." Wika ni Lanie. Ngumiti naman si Aqua. "Of course naman para hindi siya mabingwit ng iba. Sa akin sigurado na siya alangang maghahanap pa ng iba. By the way, mauna na ako sa inyong lahat thank you!" Aniya at naglakad na sila ni Shiela sa kinaroroonan ni Hiro. "Palagi talagang supalpal si Lanie sa'yo masydo kasi siyang intrimitida." Inis na wika ni Shiela. "Hayaan mo na siya. Noon pa man ang laki na ng inggit niya sa kanyang katawan. Sakit na hindi na malulunasan," sagot naman ni Aqua. "Tama! Hindi na siya

