"Hindi ko alam kung bakit pumasok pa sa isang relasyon kung alam na niyang complete pa ang buhay niya. Patuloy kong ni-re-remind sa kanya ito na saka na muna kapag tuluyan nang mawala sa buhay niya si Amanda." Seryosong napatitig si Tita sa aking mata, tila may kahulugan iyon. Ngunit baka ito ay guni-guni ko lamang. Akala ko noong una ay strict siya o di kaya ay isang maldita. Natatakot pa naman akong masabunutan ni Tita. But I am wrong. Mabait siya at hindi ko alam kung suportado ba niya ang relasyon namin ni Achilles. Napahinto lang kami dito sa may pool area. We have been touring outside the mansion. Ipinakita niya sa akin ang tanim niyang mga bulaklak kasi proud plantita siya. Sa tingin ko ay mas mahal niya pa ang kanyang mga tanim kaysa sa ibang mga bagay. "Ayaw kong sabihin kay Am

