KABANATA 7: CONDO

1657 Words
"Ma, hindi ko siya boyfriend. Siya ang aking boss," Bahagya akong lumapit kay Mama at binulong iyon. Kung anu-ano na lang ang pumapasok sa kanyang isipan. "Isang boss. Ang sir sa trabaho." Ulit ko at sinubukang ipaliwanag. Tila ba hindi siya naniniwala sa aking mga sinasabi. Tingin niya'y may halong pagdududa. With doubt, napatango si Mama. Kahit deep inside, alam kong may nabubuong suspicion mula sa kanya. Pinaupo na namin si Achilles sa isang vacant chair dito sa may sala habang kami ni Mama ay sa tapat niya lang umupo. Pinan-lakihan ko pa ng mata si Achilles noong napabaling siya sa akin. Isang senyales na ayaw ko siyang magkamali sa aming napag-usapan. "Ano ho pala ang ginagawa ng isang boss ng aking anak sa aming bahay? Maari ko bang malaman?" mahinahong tanong ni Mama. "Pag-pasensiyahan mo na kami sir at naubusan kami ng juice, wala kaming maibibigay sa'yo." "It's okay," In a calm way, Achilles replied. "Nandito lang naman ako para sabihin sa inyo na ang lahat ng aking mga empleyado ay binibigyan ko ng magandang buhay." He said it as if totoong empleyado niya talaga ako. Kahit na sa totoo ay meron kaming isang midnight contract—isang sekretong hindi pwedeng mabunyag. Napangiti lang si Mama. "Oh, tapos?" "To tell you directly, binibigyan ko kayo ng condo unit para doon na kayo tumira at para may bago kayong matitirhan. Regalo ko na rin sa aking empleyado na si Amira dahil sa maganda niyang performance," Achilles said. Napa-ubo sa gulat sa sinabi niya. At least, hindi niya nagawang sabihin ang totoo. Magandang performance? Bigla ko na naman naisip ang aming ginawa sa condo niya. Iyon ba ang magandang performance na sinasabi niya? Baka he meant magandang performance sa kama? "Sigurado ka bang may magandang performance ang anak ko sa trabaho niya sa bar? Sa pagkakaalam ko kasi sir, palagi siyang nala-late dahil sa pag-aalaga sa akin. Nagpapasalamat ako sa Diyos na binigyan niya ako ng isang anak na katulad niya." Hindi na rin napigilan ni Mama ang maging emosyonal. "Ma, naman." Nasabi ko na lang at tinapik ang kanyang likuran. "Sssh. Kalma lang." "At salamat kung may ibibigay ka man sa aming condo. Isang blessing na 'yon at siyempre hindi kami tatanggihan kung may ibibigay ka man," she said. "Ang bait-bait mo naman sir. Hulog ka ng langit." "Ma, hindi natin dapat na tanggapin ang offer niya sa atin. Tanggihan mo ang aking boss," bulong ko kay Mama baka sakaling magbabago pa ang kanyang isipan. "Please, babawiin mo ang sinabi mo sa kanya." Pinunasan ni Mama ang luhang dumadaloy sa kanyang mata. "Anak naman, hindi natin maaaring tanggihan ang offer niya sa atin. Blessing na 'yon," aniya at agad na ibinalik kay Achilles ang kanyang tingin. "So it means you are accepting my offer to you? You don't have to worry about something sa mga babayaran o mga expenses dahil sagot ko na ang lahat at ipapangalan ko na sa inyo ang condo para hindi na kayo magduda pa," Achilles assured. "Siyempre sir," sabi naman ni Mama. Napatayo na si Achilles mula sa kanyang kinaupuan. "Gusto kong sumama kayo sa akin para makita niyo ang sinasabi kong condo. Kung okay lang naman," ani Achilles. Agad ding napatayo si Mama. "Sasama kami sa'yo sir. Para naman masiguro namin na totoo talagang bibigyan mo kami." Gusto ko pa sanang magsalita at pigilan si Mama ngunit hindi ko na nagawa pa. Niyaya na rin ako ni Mama na sumama pa. Ang dali lang talaga makuha ang loob ni Mama. Paano kung masamang tao pala si Achilles at kusa siyang sasama? Hindi ko maisip ang worst scenario na pumapasok sa aking isipan. Sinarado na namin ang bahay saka tuluyan na kaming sumakay sa kotse ni Achilles. Si Mama ang nakaupo sa front seat habang ako dito sa back seat. Patuloy lang silang nag-uusap ni Achilles tungkol sa akin kung gaano ka-bait ako sa trabaho at kung anu-ano pa tungkol sa akin. Sinimulan na ni Achilles na paandarin ang kanyang kotse. Tumahimik na rin si Mama habang ibinaling niya na lang ang kanyang tingin sa aming dinadaanan. Nakita ko rin na pasulyap-sulyap lang din nang tingin si Achilles sa rear view mirror at kung magtama man ang aming tingin, agad din naman itong iiwas. Like hell, gusto ko talagang magalit sa kanya. Kung nakinig pa sana siya sa akin, hindi sana mangyayari na sa-sang-ayon si Mama sa kanya. Humanda ka lang sa akin Achilles. Kung may binabalak man siyang gawin sa ngayon, huwag niya na lang ito na ituloy. Dahil sa aking malalim na pag-iisip, hindi ko na namamalayan na ihinto na pala ni Achilles ang kanyang sasakyan sa parking lot ng kanyang condo. "We're here," Achilles announced. "Excited na tuloy ako sir sa condo unit namin. Salamat talaga nang marami," sabi ni Mama. "Welcome," tipid na sagot ni Achilles at napabaling sa akin. Akala ko may sasabihin siya sa akin. Wala pala. Nakakainis lang. Lumabas na kami mula sa kanyang kotse at tuluyan na kaming pumasok sa elevator. Hindi pa rin matahimik si Mama. Marami pa rin siyang sinasabi kay Achilles. Ang mga sakripisyo ko para lang mabili ko ang mga gamot niya. Nahihiya tuloy ako kay Achilles. Hindi naman kasi dapat na ipagkalat ni Mama 'yon. Kahit na ako lang ang nakakaalam sa mga sakripisyong ginawa, okay lang naman sa akin 'yon. Bumukas na ang elevator. Naglakad na kami papunta sa kanyang condo. Hindi naman ito kalayuan sa may elevator. Maglakad lang ng konti at mararating na namin ang kanyang unit. Pero imbes na huminto kami sa unti niya, huminto kami dito sa tapat. Ibinaling ko ang tingin ni Achilles habang nakita ko lang siya na may inilabas na susi. "Ito na ang susi para sa condo niyo. Buksan mo niyo na ito," sabi niya habang ibinigay niya kay Mama ang susi. Agad naman itong tinanggap ni Mama. Sinusian na ni Mama ang pintuan. Inikot na niya ang doorknob at nauna nang pumasok si Mama sa loob. Kita ko ang ngiti sa kanyang labi no'ng nakita niya ang loob na para bang isang bata na niregaluhan sa kanyang magulang. "Sobra-sobra na 'tong ginagawa mo Achilles. Wala na 'to sa pinirmahan kong kontrata sayo." sabi ko sa kanya. Napabaling si Achilles sa akin. Bahagya niya pang inilapit ang kanyang labi sa aking taenga. "You'll be paying all of this in the midnight." bulong niya sa akin. "H'wag mong isipan na libre lang 'to Amira." Matapos niya akong binulungan ay sumunod na rin siyang pumasok sa condo. Hindi ko naman maiwasang kabahan dahil sa ginawa niya na tila ba bigla na lang na tumibok ng mabilis ang aking puso. Isang kakaibang t***k. Sa lahat ng taong aking makakasalamuha at kahit na magugulat ako, hindi naman ganitong klaseng t***k. Pumasok na rin ako sa loob. Inilibot ko ang aking tingin sa paligid. Wala namang pinagkaiba ito sa kanyang condo. May dalawang kwarto, may maliit na kusina, sala at dining area. May glass window pa at makikita ang katabing mga building. "Anak, dito na muna tayo matutulog ngayong gabi," sabi ni Mama sa akin. "Sabi ni sir okay na namang titira tayo dito. Nabayaran na niya ito at kulang na lang na mailipat sa pangalan mo 'to." "Ma—" "Iyang nasa left ang kwarto mo habang ang nasa right side naman ang akin ha? Bukas na natin dadalhin ang mga gamit natin dito," sabi ni Mama habang nakangiti. Gusto ko sanang pigilan siya at ipatigil itong pagka-excite niya dahil ibabalik ko na sana ito kay Achilles. Baka kung hindi ko siya susundin, magagalit siya. Fine. Kahit na labag ito sa aking kalooban, napatango na lang din ako kay Mama. Pinagmasdan ko lang siyang naglakad papunta sa sinasabi niyang kwarto. Tinawag niya pa ako. "Sundin mo na lang ang gusto ng Mama mo. Besides, hindi ko naman ito babawiin," sabi ni Achilles sa akin. "Ikaw na ang bahala sa Mama mo at papasok na ako sa aking condo. I am expecting you to be in my condo exactly 12." aniya. "Fine," tipid na sagot ko. May ibinigay siya sa aking isang susi at agad ko naman itong tinanggap. "Spare key 'yan sa aking condo para hindi ka na mahirapan pang pumasok." sabi niya sa akin. Napatango na lang din ako sa kanya. Ilang sandali pa ay tuluyan na itong nagpaalam at tumalikod na. Sinarado ko ang pintuan habang sinundan ko lang din si Mama sa kanyang kwarto. Nakita ko lang siya sa may glass window. Pinagmasdan niya ang buong siyudad na makikita. ***** Maraming oras ang lumipas. Dinala ko na rin si Mama sa isang fast food chain sa ibaba para kumain. Since wala pa naman nadala ang aming mga stock dito. Nasa kanyang kwarto na rin si Mama and I am thankful, hindi niya kalimutang dalhin ang kanyang gamot. Hinihintay ko na lang ang dumating ang hating gabi. Nagpapaalam lang ako baka kasi makatulog ako sa mga oras na 'yon. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako hanggang sa tuluyan nang nag-alarm ang aking cellphone. Mabuti na lang din at nagising ako. Hinanda ko na ang aking sarili saka tuluyan na rin akong lumabas mula sa aming condo. Ginamit ko ang spare key para buksan ang condo unit ni Achilles pagkatapos ay tuluyan na akong pumasok sa loob. Madilim. Kaya ginamit ko ang aking flash light baka may multong biglang magpapakita sa akin o baka guni-guni ko lang talaga ito. Tinatakot ko lang ang sarili ko. Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla kong nakita na nakatayo si Achilles sa may pintuan ng kanyang kwarto. Topless ito, naka-boxer lang at bumakat ang dapat na bumakat sa kanyang harapan. "T*ngina akala ko multo!" Napasigaw ako sa gulat. Bigla na lang niyang in-on ang ilaw hudyat para makita ko nang malinaw ang kanyang katawan. Magulo ang kanyang buhok na tila ba nagising din siya sa aking pagdating. "Kanina pa kita hinintay." Napahakbang na siya palapit sa akin at sinimulan na niya akong hinalikan. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD